20/08/2026
Congratulations Jonel Angelo Vendiola our former STE researcher! From School researcher to National Winner!
BALITA | EE students, nag-uwi ng 2 parangal sa 16th ARAW 2026
Nasungkit ng dalawang grupo mula sa Bachelor of Science in Electrical Engineering (BSEE) department ng Cagayan State University – Carig Campus (CSUC) ang dalawang major awards sa 16th Annual Research Awards (ARAW) 2026 na ginanap sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), Sta. Mesa, Manila, Agosto 20.
Nakamit nina Arnold E. Paclarin Jr., Jonel Angelo D. Vendiola, at Vinzel M. Tablac, ang kampyeonato sa kategoryang Poster Presentation para sa kanilang proyektong, 'MATA METER: Monitoring and Analysis of Transformer Acquired Parameters' sa ilalim ng paggabay ni Engr. Ian C. Pagulayan
Samantala, nakuha naman nila Christian Jake P. Cabasag, Gani Luis B. Dacanay, at Vince F. Sumagay, kasama ang kanilang adviser na si Engr. Michael B. Orpilla, ang 1st Runner-up sa Commercialization Research sa kanilang inobasyong, 'Smart Agri-gate with Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) for Irrigation Canal Operations'.
Ang programa na siyang itinatag ng PUP katuwang ang Department of Science and Technology ay may layuning kilalanin ang mga natatanging student researchers, makabagong teknolohiya, at engineering solution na may potensyal na i-commercialize.
Ang parehong grupo ay nakipagtagisan sa mga research project mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong unibersidad sa buong Pilipinas at nasa ilalim ng paggabay ni Engr. Ericson L. Visaya.
Marian T. Celis| The CSU Promethean