DepEd Raymundo -Escarez Memorial School

DepEd Raymundo -Escarez Memorial School "A friendly School"

πŸ† DISTRICT MEET 2026 | A CELEBRATION OF TALENT, DETERMINATION, AND SPORTSMANSHIP πŸ† District Meet 2026, buong pagmamalaki...
10/09/2026

πŸ† DISTRICT MEET 2026 | A CELEBRATION OF TALENT, DETERMINATION, AND SPORTSMANSHIP πŸ†

District Meet 2026, buong pagmamalaki nating binabati ang lahat ng ating athletes, coaches, trainers, school officials, parents, at supporters na naging bahagi ng makabuluhang paligsahang ito.

Higit pa sa mga medalya at karangalan, ipinakita ng ating mga atleta ang disiplina, tiyaga, tapang, teamwork, at tunay na diwa ng sportsmanship. Ang bawat laban ay patunay ng kanilang pagsisikap at dedikasyon.

Sa bawat panalo, tayo ay nagdiwang. Sa bawat pagkatalo, tayo ay natuto. At sa bawat hamon, mas naging matatag tayo. πŸ’ͺ

Congratulations to all our athletes! Anuman ang resulta, kayo ay aming ipinagmamalaki. Dalhin ninyo ang mga aral, karanasan, at inspirasyong inyong natamo sa District Meet na ito sa mga susunod pang laban.

Maraming salamat sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagdaraos ng District Meet 2026. Sama-sama nating patuloy na itaguyod ang kahusayan, pagkakaisa, at paghubog sa kabataang may talento, disiplina, at malasakit.

Mabuhay ang ating mga atleta! Mabuhay ang ating paaralan! πŸŽ‰πŸ…






πŸ†πŸ”₯ Intramurals 2026: Laban, Tapang, Lakas, Saya, at Pagkakaisa! πŸ”₯πŸ†Hindi lang tungkol sa panaloβ€”ito ay tungkol sa teamwor...
21/08/2026

πŸ†πŸ”₯ Intramurals 2026: Laban, Tapang, Lakas, Saya, at Pagkakaisa! πŸ”₯πŸ†

Hindi lang tungkol sa panaloβ€”ito ay tungkol sa teamwork, friendship, sportsmanship, at kasiyahang sama-samang binuo! πŸ’ͺ❀️

Saludo sa lahat ng mga mag-aaral, manlalaro, coaches, mga magulang, at buong school community na naging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito! πŸ…


-Escarez Memorial School
,OneRHYTHM,ServingwithaHEART πŸ†βœ¨β€οΈ

18/08/2026
09/08/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT

Dahil sa patuloy na pag-ulan at hindi magandang lagay ng panahon, SUSPENDIDO ang face to face class ngayong araw, Agosto 10, 2026 (Lunes).

Sa ating mga minamahal na magulang, hinihiling po namin ang inyong pakikiisa sa paggabay at pagsubaybay sa ating mga anak habang sila ay nasa bahay.

πŸ“š Ang ating mga g**o ay magpapadala ng mga learning activities at gawain sa kani-kanilang class/group chat (GC) upang patuloy na matuto ang ating mga mag-aaral kahit walang face-to-face classes. Mangyaring subaybayan po ang mga GC para sa mga instructions at activities na ipapadala ng mga g**o.

Hikayatin din po natin ang ating mga anak na magbasa at gawin ang kanilang mga learning activities sa bahay.

🌧️ Higit sa lahat, unahin po natin ang kaligtasan. Manatili sa ligtas na lugar at mag-ingat sa anumang posibleng panganib dulot ng masamang panahon.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, pag-unawa, at patuloy na suporta.

Keep safe and dry, everyone! πŸ’™πŸ’›
β€” Raymundo-Escarez Memorial School

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)Sa pangunguna ng mga g**o, mga mag-aaral, at kawanimatagumpay na isinagaw...
18/06/2026

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)

Sa pangunguna ng mga g**o, mga mag-aaral, at kawani
matagumpay na isinagawa ang Earthquake Drill sa Paaralan ng RAYMUNDO-ESCAREZ M/S ngayong araw June 18, 2026.

DUCK, COVER, and HOLD! Sama-samang pagsasanay para sa kaligtasan ng lahat at ito ay nagsisilbing pangunahing hakbang upang maging ligtas habang may lindol.

Salamat sa mga nakiisang mga g**o, mag-aaral at kawani ng paaralan sa matagumpay na aktibidad. Ligtas ang paaralan, handa ang lahat!




-EscarezMemorialSchool


Maraming salamat po sa mga libreng school supplies ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Mabuhay para sa mga mag-aaral ng Ray...
11/06/2026

Maraming salamat po sa mga libreng school supplies ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Mabuhay para sa mga mag-aaral ng Raymundo-Escarez Memorial School.

BRIGADA ESKWELA 2026   -Escarez Memorial School
01/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026



-Escarez Memorial School

Address

Mabuhay
Roxas
5212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Raymundo -Escarez Memorial School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category