24/07/2026
Noong Hulyo 23, 2026, ganap na ika-2:00 ng hapon, matagumpay na idinaos ng Roxas South, Central at North Districts ang Ika-10 Palatuntunang Pampagtatapos at Pag-usad ng Alternative Learning System (ALS) sa 3rd Floor, Municipal Function Hall.
Ang seremonyang ito ay nagsilbing isang makabuluhan at hindi malilimutang pagdiriwang na nagbigay-pugay sa sipag, tiyaga, at determinasyon ng mga nagsipagtapos. Isa rin itong pagkilala sa kanilang pagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap sa kabila ng iba’t ibang hamon sa buhay.
Dinaluhan ang programa ng mga panauhing pandangal, mga opisyal ng DepEd, mga g**o, mga magulang, at iba pang mga katuwang sa edukasyon na nagpaabot ng kanilang suporta at pagbati sa mga nagsipagtapos. Ang matagumpay na pagdaraos ng seremonya ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng Alternative Learning System na makapagbigay ng dekalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Alternative Learning System sa lahat ng patuloy na sumusuporta, lalong-lalo na sa aming minamahal na Ama ng Bayan ng Roxas, Hon. Pedy B. Sabando, Bise-Mayor Hon. Alfredo B. Enojas Jr. at sa ating mga SB Member, kay Sir Ryan Tan. Sa ating MCAPAO Ma’am Raquel S. Vicera. Sa ating Municipal Engineer Engr. Teodoro Cayetano.
Sa aming tatlong PSDS: PSDS Roque G. Badilla ng Roxas South District, PSDS Dr. Leonardo M. Oblan ng Roxas Central District, at PSDS Hj. Sonny Boy A. Taha ng Roxas North District. Gayundin, sa aming mga School Heads na nakiisa sa aming seremonya: Principal III Greg S. Jaranilla ng ASIS, Principal II Francis R. Salonga ng FFPES, at Principal I Dennis Orqueza ng Tagumpay NHS.
Special thanks to Ma’am Mariel Anne L. Ramos, Community Affairs Officer II ng Munisipyo ng Roxas sa pagpapaunlak na maging aming panauhing tagapagsalita. Maraming salamat po sa pagbibigay-inspirasyon sa aming mga graduates.
Sa mga g**o ng Alternative Learning System mula sa tatlong distrito: Sir Reynante Pablico, Ma’am Ida Evio at Sir Romar Cayao Nario ng RCD; Sir Ryan Arante Sibal at Sir Raymart A. Sibal ng RND; at Ma’am Benilda A. Compas ng RSD.💪Sa aming EMCEE, Ma’am Marianne Am-is Acuno , at sa iba pa naming mga kasama🥰