30/07/2026
TOY-FREE CAMPUS
Para sa isang ligtas, maayos, at mas nakatuong kapaligiran sa pagkatuto, ipinagbabawal ang pagdadala, pagbebenta, pagpapalitan, at pamimigay ng anumang uri ng laruan sa loob ng Accelerated Learning Academy of Roxas.
Inaasahan namin ang pakikiisa ng ating mga magulang at mga ALARIANS sa pagsunod sa patakarang ito.
Dalawang batas umano sa Pilipinas ang nilabag ng nagte-trending ngayon na squishy dumpling toy.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay BAN Toxics National Campaigner Thony Dizon, unang-una na rito ang paglabag sa Toy and Game Safety Labeling Law dahil hindi umano kumpleto ang product instruction nito at hindi rin nakalagay kung rehistrado o aprubado ito ng Food and Drug Administration.
Bukod dito, itinuturing umano itong kontrabado dahil hindi ito nasuri ng mga otoridad kaya ilegal umano ito sa bansa.
Kung maaalala, una nang pina-recall sa UK ang naturang laruan dahil nakitaan ito ng delikadong kemikal.
Nilinaw rin niya na ang nakitang kemikal na 'benzene' na nakita sa laruan ay delikado dahil ang parehong kemikal ay makikita rin sa mga produktong petrolyo at sa plastic.
Nakitaan rin umano ito ng kemikal na ginagamit para sa pagpapalambot na maituturing na carcinogenic, o maaaring makapagdulot ng cancer.
Dahil dito, nanawagan si Dizon sa mga kinauukulan na aksyunan ito.