DepEd Tayo- Barangay IV Roxas Integrated School

DepEd Tayo- Barangay IV Roxas Integrated School

Share

This school offers quality education to people of Roxas.

18/01/2026

Simulan ang linggo nang may ngiti at pasasalamat. Happy Monday, ka-DepEd! 🙏❤️

24/12/2025

Ngayong Pasko, ipalaganap ang mga regalo ng saya, pagmamahal, at malasakit sa isa’t isa. Sa maliliit na paggawa ng kabutihan, mas nagiging makabuluhan ang diwa ng Pasko.

Merry Christmas, ka-DepEd! 🎄✨

Photos from DepEd Tayo- Barangay IV Roxas Integrated School's post 01/12/2025

Isang mainit at pinagpalang bati sa iyong kaarawan Hon. Tintin Cayetano Trinidad Punong Barangay ng Barangay IV.

Sa espesyal na araw na ito, buong puso naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong mahusay na pamumuno at walang sawang paglilingkod sa ating komunidad. Ang inyong kasipagan, pagiging maaasahan, malasakit, at pagiging bukas sa mamamayan ay tunay na patunay ng isang lider na may malasakit at puso para sa bayan.

Lubos din naming pinahahalagahan ang napakahalagang suporta na ipinagkaloob ninyo sa Barangay IV Roxas Integrated School. Ang inyong patuloy na pagtulong sa mga programa ng paaralan—kabilang na ang kaligtasan at kaayusan, pagbibigay ng kinakailangang kagamitan, pag-uugnay sa iba’t ibang katuwang ng paaralan, at aktibong pakikilahok sa aming mga gawain—ay nagdulot ng malaking pag-unlad sa kapakanan ng aming mga mag-aaral at sa kalidad ng aming mga programa.

Ang inyong maagap na pagresponde sa pangangailangan ng paaralan, ang pagiging laging handang tumulong, at ang taos-pusong pagpapahalaga ninyo sa mga g**o, mag-aaral, at maging sa mga pasilidad ng paaralan ay malinaw na larawan ng isang tapat at tunay na lingkod-bayan. Dahil sa inyong pamumuno, higit pang tumibay ang ugnayan ng barangay at ng aming paaralan, na nagbigay daan sa mas maayos, mas ligtas, at mas suportadong kapaligiran para sa mga bata.

Sa pagdiriwang ninyo ng inyong kaarawan, dalangin namin ang patuloy na biyaya ng kalusugan, karunungan, at tagumpay sa lahat ng inyong tungkulin at adhikain. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon at gabay ng ating barangay.

Muli, Maligayang Kaarawan

Ang inyong pagkalinga at suporta sa Barangay IV Roxas Integrated School ay lubos naming pinahahalagahan at taos-pusong ipinagpapasalat.

Photos from DepEd Tayo- Barangay IV Roxas Integrated School's post 15/10/2025

Happy Birthday to all October Celebrants! Cheers CHERS!

25/09/2025

📢ANNOUNCEMENT📢

‼️ CLASS SUSPENSION ‼️

In light of Typhoon Opong, as per the advice of our School Principal Sir Francis R Salonga.
ALL LEVELS of classes are suspended today (Friday), Sept. 26, 2025.

Please stay safe and take the necessary precautions.

Let’s all stay safe and informed during this storm. 🌧️


Photos from DepEd Tayo- Barangay IV Roxas Integrated School's post 18/09/2025

ATM|| BIVRIS Athletic Delegation

Opening Parade for the Roxas Central District (Elementary) Inter-School Sports Club Competition 2025


Want your school to be the top-listed School/college in Roxas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


North Diversion Road, Barangay IV, Palawan
Roxas
5308

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm