25/05/2024
Sa mga nanay po riyan na may anak na grade 1 or 2, pakipabasa naman po ito sa kanila. Salamat po!
Ano Ba ang Pagmamahal, Nanay?
Sabi ni Titser, "Di mapapantayan ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak."
Pagkauwi sa bahay, itinanong ko agad kay Nanay kung ano ang pagmamahal.
Kung iguguhit ko kaya sa papel ang pagmamahal, ano kaya ito?
Anong kulay?
Anong hugis?
Anong amoy?
Anong lasa?
Anong tunog?
"Nanay, ano ba itsura ng pagmamahal?"
"Bakit mo naitanong, Anak?"
"Gusto ko kasing iguhit, e."
Gusto kong malaman ang kulay ng pagmamahal.
Gusto kong malaman ang hugis ng pagmamahal.
Gusto kong malaman ang amoy ng pagmamahal.
Gusto kong malaman ang lasa ng pagmamahal.
Gusto kong malaman ang tunog ng pagmamahal.
"May kulay ang pagmamahal, Anak."
"Kapag ibinibili kita ng damit, anong kulay ang lagi kong ibinibili sa 'yo?"
"Asul, Nanay."
"Iyon ang kulay ng pag-ibig, Anak."
"May hugis ang pagmamahal, Anak."
"Noong tinuturuan kitang kumain ng kerots noon, anong hugis ang nakikita mo sa plato?"
"Hugis bulaklak, Nanay."
"Iyon ang hugis ng pag-ibig, Anak."
"May amoy ang pagmamahal, Anak."
"Kapag isinusuot mo ang iyong uniporme tuwing umaga, ano amoy ang naaamoy mo?"
"Kay bango-bango, Nanay!"
"Iyon ang amoy ng pag-ibig, Anak."
"May lasa ang pagmamahal, Anak."
"Noong huling kaarawan mo, ano ang hiling mo na gustong-gusto mo?"
"Barbeque, Nanay!"
"Iyon ang lasa ng pagmamahal, Anak."
"May tunog ang pagmamahal, Anak.
"Tuwing gabi ang ibinibigay namin ng iyong tatay bago ka matulog?"
"Matunog na halik sa pisngi, Nanay."
"Iyon ang tunog ng pagmamahal, Anak."
"Aba nakatutuwa, Nanay! Nasa akin pala ang pagmamahal na sinasabi ni Titser!"
"Oo, Anak!"
"Maiguguhit mo na ba ang pag-ibig, Anak?"
"Maiguguhit ko na, Nanay!"
Asul na kamiseta.
Hugis pusong ginayat na kerots.
Malinis na uniporme.
Masarap na barbeque.
Matunog na halik sa pisngi ni Nanay at ni Tatay sa aking pisngi.
Salamat sa kulay ng pagmamahal.
Salamat sa hugis ng pagmamahal.
Salamat sa amoy ng pagmamahal.
Salamat sa lasa ng pagmamahal.
Salamat sa tunog ng pagmamahal.
Salamat, Nanay!
Salamat, Tatay!
(c) Genaro Ruiz Cruz