Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU", School, Filamer Christian University bldg, Roxas Avenue, Roxas City, Capiz, Roxas.

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 14/05/2026

“Ang tagumpay ay hindi lamang resulta ng talino, kundi bunga ng tiyaga, sakripisyo, at pananalig sa sarili.”

Isang taos-pusong pagbati kay Quennie F. Dela Cruz at Julie Pearl F. Barnego sa matagumpay nilang pagkapasa sa March 2026 Licensure Examination for Teachers (LET) na may 66.67% passing rate.

Isang makabuluhang tagumpay ang ipinagdiriwang natin ngayon sa pagkakapasa ni dalawang Filipino major sa March 2026 LET. Ang tagumpay na ito ay bunga ng mahabang proseso ng paghahanda, walang sawang pag-aaral, at matinding dedikasyon upang maabot ang pangarap na maging ganap na g**o.

Ang Kamagfil ay buong pusong nagagalak at ipinagmamalaki ang inyong tagumpay sa pagpasa sa Licensure Examination for Teachers. Ang inyong nakamit ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang makabuluhang karangalan para sa buong organisasyon, Filipino major at sa lahat ng naging bahagi ng iyong paglalakbay.

Muli, congratulations sa ating bagong ganap na g**o sa Filipino✨

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 10/05/2026

Isang makabuluhan at matagumpay na pagtatapos ng isa na namang makulay na yugto para sa KAMAGFIL! ✨📚

Matagumpay na isinagawa kahapon ang KAMAGFIL Culminating Activity—isang pagdiriwang ng pagsisikap, pagkakaisa, at serbisyong may layunin para sa komunidad. Higit pa sa isang simpleng programa, ang gawaing ito ay sumasalamin sa tunay na adhikain ng organisasyon: ang makatulong sa mga kabataang matutong bumasa at sumulat at mabigyan sila ng inspirasyon na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Sa pamamagitan ng outreach activities, pagtuturo, at iba’t ibang gawaing inihanda ng mga miyembro, naging daan ang programang ito upang maipadama sa mga bata ng Barangay 11 na may mga taong handang gumabay at sumuporta sa kanilang pagkatuto.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa kapitan at mga opisyales ng Barangay 11 at kina Ma’am Blance at Ma’am Jocelyn, at sa lahat ng officers at members ng KAMAGFIL na naging bahagi ng matagumpay na programang ito. Ang inyong suporta, dedikasyon, at pakikiisa ay tunay na naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng gawaing ito.

Hindi lamang ito pagtatapos ng isang aktibidad, kundi isang paalala na ang simpleng pagtuturo at pagbabahagi ng kaalaman ay maaaring maging simula ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan. 💛



08/05/2026

Isang selebrasyon ng talento, pagkakaisa, at masasayang alaala! ✨
Samahan kami sa Culminating Activity ng KAMAGFIL bilang pagtatapos ng makabuluhan at masayang samahan ngayong taon. Tara at sabay-sabay nating ipagdiwang ang bawat tagumpay at alaalang nabuo!

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 12/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang outreach program sa Brgy. 11 noong Abril 11, na dinaluhan ng mga kabataan sa komunidad at mga miyembro ng Kamagfil.

Isinagawa ang aktibidad na ito na may layuning turuan magbasa, magsulat, at magbahagi ng kaalaman at kasiyahan sa mga kabataan sa komunidad. Naging bahagi rin ng programa ang iba’t ibang gawaing pang-edukasyon na nagbigay saya at aral sa mga kabataan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 15/12/2025

Isang matagumpay at makabuluhang White Gift Program ang naisakatuparan para sa mga kabataan sa barangay XI 🤍.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maisakatuparan ang programang ito nang maayos at puno ng saya.

Sa pamamagitan ng simpleng handog at sama-samang pagkilos, naipadama natin ang diwa ng pagmamahal, malasakit, at pagbibigayan ngayong Pasko.
Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na regalo ay ang pagbibigay ng ngiti at pag-asa sa kapwa. ✨

08/10/2025

Isang espesyal na 2D animated music video ang aming inihandog para sa aming minamahal na Tagapayo at g**o sa meyjor na Filipino na si Gng. Melody J. Blance, bilang tanda ng aming taos-pusong pasasalamat at paggalang.

Ang awiting “Salamat, Salamat” ay isang orihinal na komposisyon ng isa rin sa aming mga kasapi sa KAMAGFIL. Gng. Melody J. Blance maraming-maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo, pag-aaruga, pagmamahal, at aral po na inyong inihandog sa amin. Nawa'y magustuhan mo ang munting handog naming awitin para sayo.

Mula sa KAMAGFIL. Maraming Salamat! Maligayang araw ng mga G**o.

"Salamat, Salamat"

Song by: Marian May Mabala
2D Animation by: Joezer M. Jimenez

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 05/10/2025

Matagumpay na naisagawa ang KAUNA-UNAHANG OUTREACH PROGRAM ng KAMAGFIL para sa taong 2025-2026!

Sa ilalim ng temang “Kahusayan sa pagbasa at pag-unawa: Gabay tungo sa matatag na edukasyon”, sama-sama nating itinaguyod ang layunin na palakasin ang kakayahan ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito.
Ang inyong suporta ang nagsilbing susi sa tagumpay ng ating programa.

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 03/10/2025

(NASA MGA LARAWAN)
Ang samahan ng KAMAGFIL ay nagtipon upang magkaroon ng pagpupulong at pagtibayin ang mga plano at paghahanda para sa nalalapit na Outreach Program ngayong Sabado, ika-4 ng Oktubre 2025, noong ikalawa ng Octobre, araw ng Huwebes, taong 2025.
Sa pagpupulong na ito, pinagtalakayan ang mahahalagang detalye upang maging maayos ang daloy ng gawain at higit na maging makabuluhan ang araw ng gawain.

Ang outreach program ay may temang “Kahusayan sa pagbasa at pag-unawa: Gabay tungo sa matatag na edukasyon.”
Isang adhikain na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbasa at pag-unawa bilang pundasyon ng mas matibay na kinabukasan.

Isang samahan. Isang misyon. Isang puso para sa paglilingkod.

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 18/09/2025

Isang panibagong kabanata para sa KAMAGFIL! 🇵🇭🇵🇭🇵🇭
Lubos kaming nagagalak na ipakilala ang mga bagong halal na opisyal para sa taong 2025-2026🗓:

☀️Pangulo: Jay Ann B. Dela
☀️Pangalawang Pangulo: Rea Jean C. Marbebe
☀️Kalihim: Ledgenme G. Funa
☀️Pangalawang Kalihim: Jovelyn O. Bullag
☀️Taga-Ingat Yaman: Erica Mae L. Billano
☀️Pangalawang Taga-Ingat Yaman: Fely Rose L. Fuyoc
☀️Tagasuri: Meriel D. Lagud
☀️Tagapagbalita: May Ann G. Dagumanpan at Marian May O. Mabala
☀️Tagapamahala: Mary Sofia T. Gonzales at Jilyn Juare
☀️Tagapagtahimik: Pauline A. Orario, Neriza M. Rendon at Emma Cris P. Bocala
☀️Lakambini: April Colyn A. Depol

Mga Kinatawan:
☀️Unang Antas: Myka Carmela Herman
☀️Ikatlong Antas: Carla Joy G. Castillo
☀️Ikaapat na Antas: Mary Mae Capay

At ang aming butihing Tagapayo at Ina ng kapisanan, si Gng. Melody J. Blance👩🏻‍🏫!
Patuloy nawa nating maisulong ang layunin ng KAMAGFIL at paglingkuran ang ating mga kapwa mag-aaral nang may malasakit at integridad. Mabuhay ang KAMAGFIL!🇵🇭🇵🇭🇵🇭

Photos from Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KMF "CTE" "FCU"'s post 23/05/2025

Pinatunayan na ang galing ng mga Filipino! 💯% passing rate sa Licensure Examination for Teachers.

Taos-pusong pagbati sa mga bagong g**o sa Filipino!

Ang inyong tagumpay ay nagpapakita ng inyong di-matitinag na dedikasyon at malalim na pagpapahalaga sa ating wika at kultura. Sa inyong pangangalaga, muling lalago at mamumukadkad ang pagmamahal sa sariling wika. Kayo ang magiging patnubay at modelo ng mga susunod na salinlahi ng mga g**o.

Mabuhay ang mga bagong pundasyon ng edukasyon, mga tagapagtanggol ng Wikang Filipino!💜🧑🏻‍🏫


Want your school to be the top-listed School/college in Roxas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Filamer Christian University Bldg, Roxas Avenue, Roxas City, Capiz
Roxas
5800