10/07/2026
📢 Keep safe, Batang Dolphins! 🐬
MODULAR DISTANCE LEARNING (MDL) IMPLEMENTATION
Saturday | July 11, 2026
Magandang gabi, mga magulang, tagapag-alaga, at mga mag-aaral.
Dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng lahat, ipatutupad ang Modular Distance Learning (MDL) sa Sabado, Hulyo 11, 2026.
Ang lahat ng mga mag-aaral ay inaasahang manatili sa kanilang tahanan at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa mga nakatalagang learning modules at iba pang learning tasks na ibibigay ng kanilang mga g**o.
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Rosario National High School para sa iba pang mahahalagang abiso.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Kaligtasan ng bawat Batang Dolphin ang ating pangunahing prayoridad.
Mag-ingat at manatiling ligtas.