14/04/2026
Maraming salamat po, Mam Anton!
Sa higit na tatlong taon ninyo po kaming tinuruan at naging adviser, lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal sa amin bilang inyong mga estudyante. Salamat din po sa pagiging kaibigan na lagi naming nalalapitan, at bilang isang ina na patuloy kaming ginagabayan at tinuturuan.
Dala po namin ang inyong mga aral, turo, at gabay sa pagtungtong namin sa kolehiyo. Muli, maraming salamat po, Mam Anton!