Talulot ng Rosas - RIS

Directions

Talulot ng Rosas - RIS Opisyal na pampaaralang pahayagan ng Rosario Integrated School.

Ang page na ito ng Opisyal na pampaaralang pahayagan ng Rosario Integrated School na Talulot ng Rosas ay nilikha upang maging isang mapagkakatiwalaang plataporma para sa mga aktwal, makatotohanang balita at anunsyo. Ito'y isang kanlungan ng impormasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan at mga mahahalagang update mula sa loob at labas ng paaralan.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ! Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas kay Danielle Moreen Halog, bagong ...
07/10/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ!

Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas kay Danielle Moreen Halog, bagong miyembro ng organisasyon mula sa kategoryang Kolum.

Nawaโ€™y magsilbing tahanan ang TNR para higit mong malinang ang iyong talento sa pagsulat, pagbabahagi ng saloobin, at pagbuo ng mga kuwentong may sariling tinig at paninindigan.

Hiling namin ang iyong patuloy na paglago, inspirasyon, at tapang na gawing makabuluhan ang bawat salitang iyong isinusulat.

Muli, maligayang kaarawan, Danielle!

โ€” Talulot ng Rosas ๐ŸŒน

๐ŸŽจ | Amirah Fernandez, Aliyah Shiloh Laceste





๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—น! Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas kay Gabriel Halog, Assistant Editor...
06/10/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—น!

Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas kay Gabriel Halog, Assistant Editor-in-Chief (EIC) ng Senior High School at isa sa mga Litratista ng organisasyon.

Nawaโ€™y patuloy na maging daan ang TNR sa paglinang ng iyong talento sa pagkuha ng mga larawang may kuwentong dapat makita, madama, at pahalagahan.

Hiling namin ang iyong patuloy na tagumpay, inspirasyon, at masasayang alaala sa bawat kuhang nagbibigay-buhay sa mga kuwento ng ating paaralan.

Muli, maligayang kaarawan, Gabriel!

โ€” Talulot ng Rosas ๐ŸŒน

๐ŸŽจ | Amirah Fernandez, Aliyah Shiloh Laceste





๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ง๐—ถ๐—น๐—ฎ (๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—”)๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎPisara. Tisa. Lapis. Bolpen. Papel.May mga kuwentong hindi kailangang sumigaw upang ma...
02/10/2026

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ง๐—ถ๐—น๐—ฎ (๐—ง๐—œ๐—ฆ๐—”)๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ

Pisara. Tisa. Lapis. Bolpen. Papel.

May mga kuwentong hindi kailangang sumigaw upang mapansin ng iba. Tahimik na nagbibigay-direksyon sa paghubog ng isa. Tila nagtuturo upang makawala sa buhay na minsa'y ayaw na. Nagbibigay kaalaman, sakripisyo, at suporta sa supling na ngayo'y mulat na. Nakapagtataka, sino nga ba siya?

Sa bawat pagsilip ng bukang-liwayway, habang ang hamog ay nasisilip pa't yumayakap sa mga dahon, may isang dakilang aninong gising na upang maghasik ng karunungan. Unang babangon, mag-aalmusal, at haharap kay Apo Init ng umaga upang magbigay aral bago pumatak ang dilim ng gabi. Guroโ€”ang mga tahimik na manlililok ng bukas, ang nagtuturo ng daan patungo sa mga pangarap na walang bakas ng pag-aalinlangan.

Sa pagdiriwang ng National Teachersโ€™ Month, hindi lamang natin binibilang isa-isa ang mga araw ng kalendaryo mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre. Bagkus, ating kinikilala ang bawat tagaktak ng pawis, bawat puyat sa gabi, at ang walang-maliw na pag-ibig na nakatatak sa bawat sulok ng pisara.

Madalas nating marinig na ang mga g**o ay ang pangalawang magulang para sa atin na hindi nakikita't nahahanap sa tahanang kinamulatan natin ngunit buhay na buhay sa pangalawang bahay na kung saan tayo ay hinubog at minasa-masa nang pinong-pino upang maging isang obra-maestra ng lipunan. Sa bawat haplos ng kanilang pangaral, tila may mahiwagang kamay na nagtutuwid sa ating mga likong landas, pinupunan ang mga kakulangan ng ating pagkatao, at pinapaypayan ang mitsa ng ating natutulog na katangian.

"Kayo ang gumagawa ng grado niyo at kami'y tagabilang lamang."

Marahil narinig niyo na ang mga katagang 'yan mula sa labi ng isang g**ong tila nag-aalburuto sa galit sa harap ng klase. Isang paalalang nag-uutos sa atin upang magsumikap at magsunog ng kilay. Ngunit sa likod ng mga katagang ito ay may isang katotohanan na mas malalim pa sa numerong nakatala sa kard na kanilang inihahanda. Sila man ang tagabilang ng ating marka, sila naman ang walang-humpay na nagtapi sa ating mga kakulangan noong tayo pa ay salat sa kaalaman. Ang kanilang pagiging mahigpit ay hindi parusa, kundi pag-uga sa natutulog na diwa natin upang magising tayo sa katotohanang ang buhay sa labas ng paaralan ay nangangailangan ng paninindigan.

Hindi natatapos ang kanilang misyon sa pagtunog ng kampana sa hapon, bitbit pa rin nila ang mga pangarap ng iba saan mang dako sila magpunta. Doon, sa ilalim ng malamlam na ilaw ng lampara, muling magsisimula ang isa pang yugto ng sakripisyo. Bubuklatin ang mga kwaderno, titingnan ang bawat marka, at hahanapan ng lunas kung paano itatama ang mga baluktot na linya ng ating tadhana.

Ang pagkilala sa kanila ay hindi dapat nagtatapos sa mga bulaklak, tula, o sa mga palakpak na umaalingawngaw lamang sa loob ng isang buwan. Ang pinakamagandang regalong maibibigay natin sa kanila ay ang pag-iral ng mga turo nila at pag-unlad ng bawat isa na dumaan sa kalinga nila.

Sa huli, balikan natin ang simula: pisara, tisa, lapis, bolpen, at papel. Ang mga materyal na bagay na ito ay madaling mapalitan at maubos sa paglipas ng panahon. Ngunit ang mga aral at pag-ibig na ipinunla ng isang g**o gamit ang mga ito? Kailanmaโ€™y hindi mabubura ng kahit anong pambura ng mundong ito. Ikaw, na binuo at hinubog ng kanilang mga sakripisyo, handa ka bang maging patunay na hindi nasayang ang bawat kandilang inubos nila para sa iyo?

๐™„๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž: ๐˜ˆ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฉ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜บ ๐˜›๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ป๐˜ข
๐™‡๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž: ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ข ๐˜๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ป ๐˜›๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ข





๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ž๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ: ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ดIsang plato ang nilapag. Sinundan pa ito ng isa, hanggan...
28/09/2026

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ž๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ: ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ด

Isang plato ang nilapag. Sinundan pa ito ng isa, hanggang sa mapuno. Ngunit higit sa pagkain, ang mas mahalagang pinupuno nito ay ang oras na inilalaan ng bawat isa.

Sa hapag, hindi lamang pagkain ang inihahain. Dito rin nagsisimula ang kuwentuhan tungkol sa mga pangyayari sa maghapon, ingay ng tawanan, at mga sandaling mahalaga.

Ngunit dahil sa magkakaibang responsibilidad, hindi palaging madali ang magsabay-sabay sa pagkain. May mga magulang na abala sa trabaho, mga anak na may pasok at puno ng gawain ang araw. Dahil sa magkakaibang gampanin at gawain, minsa'y natatapos ang araw na hindi man lang nagkakasabay sa lamesa.

Kaya naman ang pagdaraos ng โ€œKainang Pampamilya Mahalagaโ€ Day ngayong ika-apat na Lunes ng Setyembre ay isang pagkakataon upang pagbuklurin muli ang bawat pamilya. Sa araw na ito, hindi lamang pagkain ang pagsasaluhan, kundi pati na rin ang oras para sa pamilya na madalas kinakain ng mga responsibilidad.

Sa bawat putaheng pagsasaluhan, may panibagong alaalang mabubuo sa hapag. Para sa ilan, maaaring isa lamang itong simpleng tanghalian. Para naman sa iba, ito ay isang bihirang pagkakataon upang muling makapiling ang buong pamilya.

Dahil hindi nasusukat sa dami ng pagkain ang isang masayang pagsasalo. Minsan, ang kuwento at birong dala ng isa't isa ay sapat na. Ang pinakamahalagang bagay ay ang presensya at oras na inilalaan ng bawat miyembro ng pamilya.

Sa pagtatapos ng araw, maaaring ubos na ang mga pagkain at magliligpit na ng pinagkainan. Ngunit ang mga alaalang mabubuo mula sa pagsasalo ay mananatili. Sapagkat sa isang simpleng pagsasalo, hindi lamang tiyan ang nabubusogโ€”nag-iiwan din ito ng masasayang alaala sa hapag.

Isang hapag, maraming kuwento

๐™ƒ๐™–๐™ฅ๐™ฅ๐™ฎ ๐™†๐™–๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™– ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ

๐™„๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž: ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข ๐˜๐˜ฐ๐˜จ๐˜ข๐˜ต
๐™‡๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ฉ ๐™ฃ๐™ž: ๐˜”๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜Ž๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ช๐˜ข





๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ!Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas ng isang maligayang kaarawan kay Sami...
26/09/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ!

Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas ng isang maligayang kaarawan kay Samiro Bienne Calpo, bagong miyembro ng organisasyon at kabilang sa hanay ng mga manunulat sa ISPORTS.
Nawaโ€™y magsilbing daan ang TNR sa patuloy na paghubog at pagpapalago ng iyong talento sa pagsusulat, lalo na sa pagbabalita at paglalahad ng mga kaganapan sa mundo ng palakasan.

Hiling namin ang iyong patuloy na tagumpay, inspirasyon, at masasayang alaala sa bawat salitang iyong isinusulat.

- Talulot ng Rosas ๐ŸŒน

๐ŸŽจ | Amirah Fernandez, Aliyah Shiloh Laceste





๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐˜‚๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜†!Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas ng isang maligayang kaarawan kay Audr...
25/09/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐˜‚๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜†!

Buong pusong bumabati ang pamunuan ng Talulot ng Rosas ng isang maligayang kaarawan kay Audrey Palaruan, miyembro ng organisasyon at kabilang sa hanay ng mga manunulat sa ISPORTS. Nawaโ€™y magsilbing daan ang TNR sa patuloy na paghubog at pagpapalago ng iyong talento sa pagsusulat, lalo na sa pagbabalita at paglalahad ng mga kaganapan sa mundo ng palakasan.

Hiling namin ang iyong patuloy na tagumpay, inspirasyon, at masasayang alaala sa bawat salitang iyong isinusulat.

- Talulot ng Rosas ๐ŸŒน

๐ŸŽจ | Amirah Fernandez, Aliyah Shiloh Laceste





๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | HULING TIRA, PANALO: ROSARIO, KUMABIG KONTRA PUGOBinalagbag ng Rosario ang Pugo sa iskor na 17-15, matapos ang...
22/09/2026

๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | HULING TIRA, PANALO: ROSARIO, KUMABIG KONTRA PUGO

Binalagbag ng Rosario ang Pugo sa iskor na 17-15, matapos ang dikdikang sagupaan sa Cluster Meet 2026 Basketball 3x3, Setyembre 10, 2026, sa pamamagitan ng matibay na depensa at mabilis na opensa.

Mula sa unang sipol ng pito, dikit na agad ang laban habang parehong koponan ay nagpalitan ng puntos. Umabot sa 12-12 ang running score bago tuluyang kumawala ang Rosario sa mga huling minuto ng laro.

Sa krusyal na yugto, pinangunahan ng kapitan ng Rosario ang kanilang koponan upang mapanatili ang momentum at maitabla ang laban sa kanilang panig.

Naging susi rin ang maagap na depensa at mabilis na transition play upang makuha ang dalawang-puntos na kalamangan.

Hindi naman nagpahuli ang Pugo at patuloy na nakipagsabayan hanggang sa huling segundo. Gayunpaman, nanatiling kalmado ang Rosario sa closing minutes upang maisara ang laro sa iskor na 17-15.

Samantala, nasungkit ng Rosario ang pilak sa 5x5 Boys matapos makaharap ang Tubao, habang nakamit naman ng 5x5 Girls ang tanso laban sa Sto. Tomas.

Sa tatlong dibisyon, ipinakita ng mga koponan ng Rosario ang determinasyon at disiplina sa court habang kinatawan ang kanilang bayan sa Cluster Meet 2026.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Samiro Calpo, Audrey Palaruan
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป | Myles Laureta, Kris Charles Apilado, Kurt Kirby Calub, Gabriel Halog, Angel Garcia





๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | ROSARIO, KUMABIG SA DALAWANG KAMPEONATO SA CLUSTER BILLIARDSNangibabaw ang mga pambato ng Rosario matapos masu...
22/09/2026

๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | ROSARIO, KUMABIG SA DALAWANG KAMPEONATO SA CLUSTER BILLIARDS

Nangibabaw ang mga pambato ng Rosario matapos masungkit nina Queenie Nonan at Yrish Rose Bencio ang tig-isang kampeonato sa Cluster Billiards Meet, Setyembre 11, 2026, sa Pob East, sa 9-Ball Girls at 8-Ball Girls Set A, ayon sa resulta ng torneo na nilahukan ng mga manlalaro mula Rosario, Pugo, Sto. Tomas, at Tubao.

Pinatunayan ni Queenie Nonan ang kanyang husay sa 9-Ball Girls matapos manguna sa kompetisyon at makuha ang unang puwesto para sa Rosario. Sa 8-Ball Girls Set A, muling umangat ang Rosario nang masungkit ni Yrish Rose Bencio ang kampeonato.

Samantala, nagkampeon si Milan ng Pugo sa 8-Ball Girls Set B, habang si D.J. Coy-om naman ng Tubao ang nanguna sa 8-Ball Boys.

Sa dalawang kampeonatong naiuwi ng Rosario, kapwa ipinakita nina Nonan at Bencio ang kahandaan at husay sa pagharap sa mga katunggali, dahilan upang maiangat ang pangalan ng kanilang bayan sa cluster competition.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Lyka May Gonzales
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป | Myles Laureta, Rhea Lyn Santos





๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐—ฎ๐—ป!Malugod na bumabati ang buong pamunuan ng Talulot ng Rosas ng Maligayang Kaarawan sa amin...
19/09/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐—ฎ๐—ป!

Malugod na bumabati ang buong pamunuan ng Talulot ng Rosas ng Maligayang Kaarawan sa aming dating Editor-in-Chief, kuya Gian Halog!

Lubos na nagpapasalamat ang TnR sa iniwan mong dedikasyon at pagmamahal sa pagbibigay kulay at karakter sa mga pahayag at kwentong taglay ang katotohanan at tapang.

Nawaโ€™y patuloy kang maging instrumento sa pagbibigay-sining at larawan sa mga kwento at isyung panlipunan.

Muli, Happy Birthday, kuya!

- Talulot ng Rosas ๐ŸŒน

๐ŸŽจ | Amirah Fernandez, Aliyah Shiloh Laceste





๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | RISERS Tahimik Pero Matinik Ang Teknik! Nitong Setyembre 11, 2026, ginanap ang Chess Tournament sa RIS, gamit ...
16/09/2026

๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | RISERS Tahimik Pero Matinik Ang Teknik!

Nitong Setyembre 11, 2026, ginanap ang Chess Tournament sa RIS, gamit ang teknik, estratehiya, at matalas na pag-iisip, bawat manlalaro'y nagpakita ng kanilang dedikasyon at determinasyon, ngunit tatlo lamang ang maaaring makakuha ng kanilang pwesto, upang makasama sa provincial meet, ang mga kalahok ay nagmula sa Tubao National High School (TNHS), Pugo National High School (PNHS), Santo Tomas National High School (STNHS), at Rosario Integrated School (RIS).

Ang mga makakuha lamang ng kanilang pwesto para sa Provincial Meet ay ang Gold, Silver, at Bronze medalist, sa Boys' Category ay namayagpag ang PNHS bilang kampeon na tumanggap ng Gold Medal si Randyl Panasan, Ang tumanggap naman ng Silver Medal ay si Kurt Patrick Canda mula sa RIS, at ang Bronze medal naman ay nakamit ni Sebastian Carl Gonzales, mula rin sa RIS, ang mga kalahok na nakakuha ng pwesto sa boys category ang lalarga patungong Provincial Meet.

Sa Girls' Category naman ay nanguna sa listahan si Rianne Laconsay bilang kampeon mula sa RIS, na nakatanggap ng Gold Medal at makakapasok para sa Provincial Meet, hindi rin nagpatinag si Jamaica Faith Lang-es na nakakuha ng Silver Medal na nagmula rin sa RIS, at ang Bronze Medalist naman ay si Gemma mula sa TNHS, ang mga kalahok na nabanggit at nakasungkit ng medalya sa Girls' category ay maglalayag na bitbit ang pag-asa at determinasyon, sisimulan na ng mga atleta ang kanilang paglalakbay patungo sa Provincial Meet upang ipaglaban ang Probinsya ng La Union.

Pinangunahan Chess Tournament ni Tournament Director Blair S. Heruela, na kasama si Deputy Chief Arbiter Jimmy D. Estacio, at si Arbiter Joanne Lou D. Clores, na nagpatakbo ng kompetisyon na payapa, at binigyan ng oras ang bawat manlalaro na makapag isip, at lumaban ng patas, upang masig**o ang kapayapaan ng laro.

Round 1 hanggang round 4 hindi inatrasan ni Rianne Laconsay ang laban, nagningning at nagliwanag ang kanyang isipan, dahil nakakuha siya ng 12 points sa final ranking, maglalakbay at ipaglalaban niya muli ang RIS para sa Provincial Meet, kasama si Jamaica Faith Lang-es, na maglalabay rin patungong Provincial Meet, at sa boys category RIS makakasama sa Provincial Meet sina Kurt Patrick Canda, at si Sebastian Carl Gonzales na magpapatuloy ng kanilang paglalakbay papuntang Provincial Meet na irerepresenta ang Probinsya ng La Union.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Shawn Michael Maligsa
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป | Kimberly Rivera, Rhea Lyn Santos





Address

Poblacion East
Rosario
2506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talulot ng Rosas - RIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category