14/08/2026
Sa pangunguna ng Agricultural Training Institute–Regional Training Center I (ATI-RTC I), isinagawa ng Private Agriculture and Fisheries Extension Service Providers (PAF-ESP) Council ang field validation sa Rocapor’s Farm Learning Site School for Practical Agriculture Inc., na matatagpuan sa Brgy. Tabtabungao, Rosario, La Union. Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng proseso ng aplikasyon ng nasabing institusyon para sa akreditasyon bilang PAF-ESP.
Sa isinagawang validation, inilahad ni Mr. Rolando Rocapor, Cooperator ng Rocapor’s Farm, ang kakayahan, kahandaan, mga pasilidad, dokumentasyon, at iba pang kaugnay na kapasidad ng kanilang institusyon bilang pagtugon sa mga kinakailangang pamantayan para sa akreditasyon bilang PAF-ESP.
Sa kabuuan, layunin ng field validation na masuri ang aktuwal na kalagayan at kahandaan ng institusyon na maghatid ng maayos, angkop, at de-kalidad na extension services sa mga magsasaka at iba pang stakeholders.