20/09/2023
I got 3 reactions and 12 replies on my recent top post! Thank you all for your continued support. I could not have done it without you. ππ€π
March 26, 2022 noong diagnosed si Theo na may Autism Level 3, with GDD, Global development delay. Noong una akala namin delay lang gawa ng ngstart ung pandemic, bawal lumabas at pinapaTablet din sia para makagawa at makakilos kami sa bahay. Pero kung ikukumpara ko sia sa 2 kong anak tungkol sa mga nagagawa nila nong ganong edad delay po si LO. Ngsearch ako sa Google ng mga possible signs at Red flags ng Autism na nakikita sa kanya. Di lumilingon kapag tinatawag, non verbal, walang focus, Di makatagal sa upuan. Pero hinayaan lng muna naming mag-asawa, sabi pa ni Papie delay lng yan pag ng 2 years old na si Theo magsasalita na sia. Pero nong ng 2 years old sia ganon pa rin non Verbal pa rin kaya kinutuban na ko. Hanggang ng 3years old sia ganon pa rin kaya Ngsearch ako ng mga DevPed. Na pwedeng mgaccess, my nahanap ako na slot, kaya lng mabilisan lng ang assement nong time na un. Parang nabuburyo si LO non.. ang Mahal pala mga Mie ng assesment 4k. Pero ok lng para lng malaman ang kondisyon nia at makapgsimula ng tamang approach. Mahirap man tanggapin sa Una, ang naging mindset ko hindi nmn ibibigay sa atin ni Lord kung hindi natin kaya. Ng dahil kay Ausome, Nagkaroon ako ng lakas at Pag-asa na kakayanin ko ang lahat Kasama si Lord at ang Pamilya. β₯πͺ πͺ
Para sa minamahal na anak, gagawin talaga ng paraan para mapabuti sila
Kayo po mga Mie.. anong kuwento nio bago at pagkatapos malaman na Ausome si LO?
Ung Picture po yan ung papunta kami sa Devped sakay ng Baby Bus.. Tahimik lng talaga siya at naamaze sa nakikita sa paligid. Gustong gusto nia palagi ung umaalis at nakasakay sa sasakyan.