22/10/2025
Sa bisa ng Resolution No. 10-2025 na ipinasa ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) noong Oktubre 14, 2025, matagumpay na isinagawa ngayong araw, Oktubre 22, 2025, sa ganap na ika-9:00 ng umaga, ang Province-wide Simultaneous Earthquake Drill sa lahat ng bayan at lungsod sa Lalawigan ng Batangas.
Aktibong nakiisa sa nasabing earthquake drill ang mga mag-aaral, mga magulang, mga g**o, sa patnubay ng ina ng paaralan, Ma'am Mylene Z. Abaja at mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Kapitan Jaime M. Dalangin, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Ang nasabing gawain ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna, partikular sa mga lindol. Layunin nito na masanay ang mga mamamayan sa tamang "duck, cover, and hold" na hakbang, at magkaroon ng kaalaman sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng isang lindol.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng pagtutulungan ng pamahalaang lokal, paaralan, at komunidad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa oras ng sakuna.