DepEd Tayo Lumbangan ES - Batangas

DepEd Tayo Lumbangan ES - Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Lumbangan ES - Batangas, Elementary School, Lumbangan, Rosario.

18/06/2026

2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill n...
18/06/2026

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill ng Lumbangan Elementary School. Ang inyong pakikiisa, suporta, at kooperasyon ay malaking tulong upang maging matagumpay ang ating pagsasanay sa paghahanda at pagtugon sa lindol.

Maraming salamat po 🥰🥰

Belated Happy Birthday, Mam Ana! 🎉From your LES Family, we wish you good health, happiness, and more blessings. May your...
13/06/2026

Belated Happy Birthday, Mam Ana! 🎉
From your LES Family, we wish you good health, happiness, and more blessings. May your days continue to be filled with love, success, and inspiration. God bless you always!

#06.10.26

✨ Taos-pusong Pasasalamat ✨Ang pamunuan, mga g**o, at mag-aaral ng Lumbangan Elementary School ay buong pusong pasasalam...
12/06/2026

✨ Taos-pusong Pasasalamat ✨
Ang pamunuan, mga g**o, at mag-aaral ng Lumbangan Elementary School ay buong pusong pasasalamat sa Brgy. Chairman on Committee on Education ,Konsehal Edwin C. Laroza.

Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob sa pamamahagi ng mga hygiene kit para sa ating mga batang Lumbangenos. Malaking tulong po ito upang mapanatili ang kalinisan, kaligtasan, at mabuting kalusugan ng ating mga mag-aaral habang sila ay nag-aaral.



📚✨ Maligayang Pagbabalik-Eskwela! ✨📚Isang panibagong taon ng pagkatuto, pangarap, at tagumpay ang ating sisimulan. Nawa’...
09/06/2026

📚✨ Maligayang Pagbabalik-Eskwela! ✨📚

Isang panibagong taon ng pagkatuto, pangarap, at tagumpay ang ating sisimulan. Nawa’y maging puno ito ng sipag, disiplina, at pagkakaisa para sa ikauunlad ng bawat mag-aaral.

Sama-sama nating hubugin ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Batang Lumbangeños! 💚

Handa na, Tara na sa Paaralan! 🎒📖

#01/08/2026



💚📚 Taos-pusong Pasasalamat! 📚💚Ang buong pamilya ng Lumbangan Elementary School ay taus-pusong nagpapasalamat kay Kapitan...
08/06/2026

💚📚 Taos-pusong Pasasalamat! 📚💚
Ang buong pamilya ng Lumbangan Elementary School ay taus-pusong nagpapasalamat kay Kapitan Ronnie Britania sa kanyang walang sawang suporta at malasakit sa ating paaralan at sa mga Batang Lumbangeños.

Sa pamamagitan ng inyong kabutihang-loob at patuloy na pagtulong, mas marami pang mag-aaral ang nabibigyan ng inspirasyon at oportunidad na makapag-aral nang maayos. Ang inyong dedikasyon sa edukasyon ay patunay ng tunay na paglilingkod sa komunidad.

Maraming salamat po, Kap. Ronnie Britania, sa pagiging katuwang ng paaralan sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga kabataan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong adhikaing makapaglingkod.
Ang tagumpay ng bawat Batang Lumbangeño ay tagumpay ng buong komunidad. 💚✨





📣✨ Matagumpay na naisagawa ang Brigada Eskwela Kick-Off! ✨📣Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng magulang, volunteers, sta...
02/06/2026

📣✨ Matagumpay na naisagawa ang Brigada Eskwela Kick-Off! ✨📣

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng magulang, volunteers, stakeholders, at mga katuwang na nakiisa at nagbahagi ng oras, lakas, at malasakit para sa ating paaralan. Lalo’t higit sa mga brigada heroes na nag donate ng pagkain mula sa butihing puso Tita Mia, paint materials mula sa Barangay sa pangunguna ng masipag na Punong Barangay Ronnie Britania, cash in kind mula sa Great Admiral Feedmills, Jhona Derpo, Ruel Guirre, Nathaniel Feedmills, Jen Rose Pelagio, patuloy na pag suporta para sa ika uunlad ng batang Lumbangenos at cleaning materials mula sa minamahal nating mga magulang. 💚

Sa pamamagitan ng bayanihan, mas lalo nating naipakita na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad. Sama-sama para sa ligtas, maayos, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral! 📚🏫

Maraming salamat at mabuhay ang diwa ng Brigada Eskwela!

✨ Grateful Hearts, New Beginnings ✨Today marks a meaningful transition for the Rosario West Sub-Office as we honor the p...
22/05/2026

✨ Grateful Hearts, New Beginnings ✨

Today marks a meaningful transition for the Rosario West Sub-Office as we honor the past and embrace the future.

With deep gratitude, we honor Dr. Orlie Del Mundo for his committed leadership, guidance, and dedicated service to the Rosario West Sub-Office family. Your steadfast support and passion for educational excellence have inspired many and made a lasting difference in our community. Maraming salamat po, Doc Orlie, for your invaluable contributions and inspiring legacy. 💚

As we turn the page to a new chapter, we joyfully welcome Dr. Berna M. Reyes as the new Public Schools District Supervisor of Rosario West Sub-Office. We look forward to the opportunities, growth, and shared accomplishments that your leadership will bring.

Together, may we continue building a stronger and more empowered learning community.

Welcome po sa Rosario West Sub-Office, Doc Berna! 💚💚💚

📣🏫 BRIGADA ESKWELA 2026🗓️ Hunyo 1–5, 2026Sa bawat pintang inilalagay, bawat silid na nililinis, at bawat kamay na tumutu...
17/05/2026

📣🏫 BRIGADA ESKWELA 2026
🗓️ Hunyo 1–5, 2026

Sa bawat pintang inilalagay, bawat silid na nililinis, at bawat kamay na tumutulong—nabubuo ang isang paaralang handa para sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang, alumni, stakeholders, at buong komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026. Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan sa pamamagitan ng bayanihan, malasakit, at pagkakaisa.

Ang inyong presensya, oras, at suporta ay mahalagang bahagi ng paghubog ng ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.




📚✨ OPLAN BALIK ESKWELA 2026–2027 ✨📚Panibagong taon, panibagong pag-asa, at panibagong pagkakataon para sa pagkatuto! 🌟In...
11/05/2026

📚✨ OPLAN BALIK ESKWELA 2026–2027 ✨📚
Panibagong taon, panibagong pag-asa, at panibagong pagkakataon para sa pagkatuto! 🌟

Inaanyayahan namin ang mga magulang, g**o, mag-aaral, at stakeholders na makiisa sa OPLAN BALIK ESKWELA mula May 4-29, 2026, sa paghahanda at pagtutulungan para sa mas maayos na edukasyon ng bawat bata.

📌 Para sa mga katanungan at iba pang concerns tungkol sa enrollment at school opening, maaari pong makipag-ugnayan sa ating paaralan at Public Assistance Command Center (PACC).

Sama-sama nating ihanda ang kinabukasan ng kabataan! 💫





Address

Lumbangan
Rosario
4225

Telephone

+639052447771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Lumbangan ES - Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Lumbangan ES - Batangas:

Shortcuts

Share