21/09/2026
PAGKILALA SA MGA NAGBIGAY-KARANGALAN SA RECS
Matapos ang flag ceremony ngayong umaga, isinagawa sa Romblon East Central School (RECS) ang pagkilala sa mga mag-aaral at g**ong nagbigay ng karangalan sa paaralan sa katatapos lamang na Division RACE 2026, gayundin sa mga nagkamit ng tagumpay sa Philippine Science High School (PSHS) Sci-Math Battle 2026.
Pinangunahan ni G. Christian I. Rotoni, Punong-g**o III, ang pagkilala at pagbibigay-pugay sa ating mga mag-aaral at g**ong naging bahagi ng mga tagumpay na ito. Sa kanilang sipag, tiyaga, husay, at dedikasyon, naipamalas nila ang talento at kakayahan ng mga batang Taga-Silangan, kasama ang walang sawang paggabay at suporta ng kanilang mga g**o.
Ang bawat parangal na kanilang natanggap ay bunga ng paghahanda, pagsisikap, at pagtutulungan. Higit pa sa mga medalya, tropeo, at sertipiko, ang mga tagumpay na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong RECS Family na patuloy na mangarap, magsikap, at gamitin ang kanilang mga kakayahan upang makamit ang kanilang mga mithiin.
Kasabay ng pagkilala ay ang pagpapatuloy values formation and character development activity, na nakatuon ngayong araw sa isang mahalagang pagpapahalaga - Paggalang.
Ibinahagi ni Queen Harley M. Ejares ng Ikalimang Baitang ang isang makabuluhang mensahe tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa ating mga magulang, g**o, kamag-aral, at sa bawat taong ating nakakasalamuha. Pinangunahan naman ni G. Tabitha M. Relator, Master Teacher, ang bahaging ito ng programa.
Sa RECS, naniniwala tayo na ang kahusayan ay higit na nagiging makabuluhan kapag sinasabayan ng mabuting asal. Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga parangal na natatanggap, kundi sa pagiging mabuting halimbawa at sa pagpapahalagang naibabahagi sa iba.
Muli, binabati namin ang lahat ng ating mga mag-aaral at g**ong nagbigay-karangalan sa RECS! Ipinagmamalaki namin ang inyong mga tagumpay.
Patuloy na mangarap. Patuloy na magsikap. At higit sa lahat, manatiling mabuting halimbawa.