31/05/2026
Brigada Eskwela NA!!!!
Isang puso, isang layunin: linisin, ayusin, at ihanda ang paaralan para sa mga mag-aaral.
Hindi lang ito paglilinis, ito ay pagmamahal at pag-aalaga sa kinabukasan ng kabataan.
Dumalo, tumulong, makilahok – dahil ang paaralan ay tahanan nating lahat!
Ang inyong pakikalahok ay patunay na kapag tayo ay nagtutulungan, walang imposible. Sa bawat linis, ayos, at pagkukumpuni, itinatayo natin ang pundasyon ng magandang edukasyon para sa ating mga kabataan.
Hindi lamang mga silid-aralan ang ating inihahanda, kundi pati na rin ang mga pangarap ng bawat batang mag-aaral. Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay malaking bagay para sa kanilang kinabukasan. Magkaisa para sa edukasyon!
TARA NA!!! Bukas na po eto June 1-5 !!!
See you all🥳🥳🥳