22/03/2022
❗ANNOUNCEMENT ❗
Kami ay nagagalak na ipaalam sa inyo na ang Tuklas Galing ay nagbabalik na!
Ang mga aktibidad na maaaring salihan ay nakalista sa ibaba.
TUKLAS GALING: PANDEMIC VERSION
Poster & Slogan
Theme: The Bright Side of Pandemic
Ang mga gustong sumali ay gagawa ng poster and slogan na may temang "The Bright Side of Pandemic". Lagi nating nakikita ang hindi kaaya-ayang mga nangyari ngayong pandemic kaya ngayon gusto naming tumingin pa kayo ng mas malalim at ipahayag ang mga magagandang bagay na naranasan ninyo ngayong pandemic na ito gamit ang inyong mga lapis at pangkulay. Kunan ng litrato ang inyong gawa at hihingi rin kami ng video ninyo habang gumagawa nito bilang proweba na kayo nga ang gumawa ng nasabing poster. Maaari niyo itong ipasa kay Jennelyn Mariel Gabinete.
Paalala: Ipopost ang litrato ng inyong gawa sa aming FB page (Ang litrato po lamang ang ipopost, hindi po kasama ang video.), ang bilang ng reacts ay magsisilbing mga boto at isasama ito sa inyong final score.
Deadline: March 31, 2022 Thursday
Criteria:
Creativity & Originality -40%
Relevance to the theme -30%
Neatness & Quality -20%
FB Votes. -10%
Photography
Theme: Modular/Online Learning
Ang mga gustong sumali ay kukuha ng litrato kung paano nila nakikita ang modular o online learning. Maaari niyo itong iedit ngunit hindi papayagang gumamit ng filters. Kakailanganin niyo ring mag send ng video habang kumukuha kayo ng litrato at nageedit nito bilang proweba. Maari niyo itong isend kay John Benedict Coching.
Paalala: Ipopost ang litrato ng inyong gawa sa aming FB page (Ang litrato po lamang ang ipopost, hindi po kasama ang video.), ang bilang ng reacts ay magsisilbing mga boto at isasama ito sa inyong final score.
Deadline: March 30, 2022 Wednesday
Criteria:
Interpretation -40%
Photographic Quality -30%
Creativity & Originality -20%
FB Votes. -10%
Poetry/Spoken Word
Theme: Tourism (Romblon)
Ang mga gustong sumali ay gagawa ng sarili nilang tula tungkol sa mga kagandahan dito sa Romblon at magvi-video habang nirerecite ito. Paalala, hindi kami tatanggap ng mga tulang hindi kayo ang may gawa o mga kuha lamang sa internet. Hihingi kami ng litrato ng inyong draft, maaaring screenshot o litrato ito ng papel kung saan ninyo isinulat ang tula. Maaari niyo itong ipasa kay Myrene Joy Patajo .
Paalala: Ipopost ang video ng inyong tula sa aming FB page, ang bilang ng reacts ay magsisilbing mga boto at isasama ito sa inyong final score.
Deadline: April 01, 2022 Friday
Criteria:
Delivery & Performance -40%
Composition -30%
Originality -20%
FB Votes -10%
Mayroong isang mananalo sa kada aktibidad na nakalista sa itaas. Ang mananalo ay makakatanggap ng certificate at ₱100 na load. Kung may mga karagdagang katanungan maaari ninyong ichat si Myrene Joy Patajo para sa mga detalye. Kaya't ano pang inaantay? Ilabas na ang mga nakatagong talento at ipakita ito sa lahat! Tuklas Galing: Pandemic Version 2022 aantayin namin kayo!
Maraming salamat at mag-iingat kayong lahat!