22/05/2026
๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง, ๐ ๐'๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ! ๐
Taos-pusong nagpapasalamat ang Manggahan National High School sa ating outgoing school head, Dr. Criselda Evangelista, sa makabuluhang isang taon at sampung buwan nitong pamumuno, walang sawang paggabay, at paglilingkod sa buong komunidad ng paaral.
Sa bawat programang nasimulan, pangarap na nabigyan ng direksyon, at bawat tagumpay na nakamit ay tiyak baon namin ang inyong mga aral.
Habang kayoโy nagpapatuloy sa panibagong yugto ng inyong paglilingkod, baon din namin ang inyong adhikain at tatak ng mahusay na pamumuno โika nga - Mangonians: Towards Excellence and Beyond.
Muli, taos-pusong pasasalamat po, Mam Cris!
21/05/2026
๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ
Isang makabuluhang sandali ng pamamaalam at panibagong pagsisimula mula sa ating paaralan ang gaganaping Leadership Transition Ceremony bukas, ika-22 ng Mayo 2026.
Lubos ang pasasalamat ng buong komunidad ng Manggahan National High School sa ating outgoing principal, Dr. Criselda E. Evangelista sa kanyang malasakit at dedikasyon na nag-iwan ng mahalagang marka sa bawat Mangonians. Kasabay nito, buong sigla ang pagtanggap ng paaralan sa ating panibagong punong-g**o, Maโam Relita V. Reyes, na siyang mangunguna sa panibagong kabanata ating paaralan.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ป๐๐๐๐๐
๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐
20/05/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Masiglang isinasagawa sa Manggahan National High School ang Summer Academic Remediation Program (SARP) na may layuning patuloy na masuportahan ang ilang mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagan gabay at interbensyon sa kanilang pagkatuto.
Layunin din ng aktibidad na ito na mabigyan ang mga mag-aaral na malinang pa ang kanilang pag-unawa, mapunan ang learning gaps, at mas mapaghandaan ang susunod na taong panuruan. Patunay lamang ito ng dedikasyon na paarala na maibigay ang makubuluhang edukasyon para sa bawat Mangonians.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ป๐๐๐๐๐
๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐
18/05/2026
๐๐ก๐จ๐ก๐ฆ๐ฌ๐ข | ๐๐ก๐ฅ๐ข๐๐๐ ๐๐ก๐ง ๐ฆ๐๐๐๐๐จ๐๐ - ๐ฆ.๐ฌ. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ
Mangonians! Narito ang mga impormasyon para sa pagsasagawa ng enrolment sa Manggahan National High School para sa taong-panuruan 2026-2027.
โ
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐:
๐ May 19 โ Incoming Grade 9 and 10 (Confirmation of Enrolment for Old Students Only)
๐ May 20 โ Incoming Grade 8 (Confirmation of Enrolment for Old Students Only)
๐ May 21 โ Incoming Grade 7
๐ May 22 โ Enrolment of Late Enrollees, Balik-Aral, Transferee and Repeater Students (All Grade Levels)
๐ฅ๐๐ค๐จ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ง๐ฆ:
โ
Incoming Grade 7, Transferee, and Balik-Aral students
-School Report Card
-NSO/PSA Birth Certificate Photocopy
-Enrollment Form
โ
Previously Enrolled Students (Old Students)
-School Report Card
-Enrollment Form
๐ฃ๐๐๐๐๐๐:
1. Magdala ng sariling BALLPEN.
2. Magtungo sa paaralan sa itinakdang petsa at oras. Ang enrollment ay magsisimula ng 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
3. Ihanda ang mga sumusunod na dokumento para sa enrollment bago magpunta sa paaralan.
4. Magsuot ng angkop na kasuotan sa pagpapa enroll.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ป๐๐๐๐๐
๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐
14/05/2026
๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ป ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ ๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ๐
Nakikiisa ang pamunuan at kaguruan ng Manggahan National High School sa isinasagawang Regional Orientation on Learning Systems Reform Policies for Teachers bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas at pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon.
Layunin ng gawaing ito na mapalalim ang kaalaman at pag-unawa ng mga g**o hinggil sa mga polisiya at repormang pang-edukasyon na makatutulong sa mas epektibong pagtuturo at mas makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral.
07/05/2026
๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Nagsagawa ang Manggahan National High School ng Parents and Students Orientation kaugnay ng pagpapatupad ng Summer Academic Remediation Program 2026 bilang paghahanda sa opisyal na pagsisimula ng programa ngayong bakasyon.
Dinaluhan ng mga magulang, mag-aaral, at mga g**o ang nasabing gawain upang talakayin ang layunin, iskedyul, mga alituntunin, at mahahalagang impormasyon tungkol sa programang gaganapin mula May 06 hanggang June 02, 2026.
Layunin ng oryentasyong ito na mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at tahanan sa pagsuporta sa pagkatuto ng mga mag-aaral at matiyak ang matagumpay na implementasyon ng remediation program para sa patuloy na pagbangon at pagpapalakas ng kasanayang akademiko ng mga mag-aaral.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ป๐๐๐๐๐
๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฉ๐๐๐๐๐