21/04/2026
ANUNSYO๐ข
HULING ISKEDYUL NG ORYENTASYON
PARA SA INCOMING GRADE 11
BASAHIN AT UNAWAIN:
Ang San Jose Litex Senior High School (SHS) ay magsasagawa ng HULING ORYENTASYON tungkol sa Strengthened Senior High School Curriculum ng Department of Education (DepEd) na ipatutupad sa Taong Panuruan 2026โ2027 para sa mga incoming Grade 11 students.
Ang Strengthened Senior High School Curriculum ay bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng programa ng Senior High School ng DepEd upang higit na mapahusay ang kahandaan ng mga mag-aaral para sa kolehiyo, trabaho, at iba pang oportunidad pagkatapos ng Senior High School. Layunin nitong palakasin ang mga pangunahing kasanayan, gawing mas makabuluhan ang mga asignatura, at higit na ihanda ang mga mag-aaral sa kanilang napiling track at strand.
Dahil dito, inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral mula sa Grade 10 na nagpa-early registration, pati na rin ang mga hindi nakapag-early registration ngunit nagnanais mag-aral sa San Jose Litex SHS, na dumalo sa nasabing orientation.