KVNHS Brigada Eskwela & Adopt A School Program

KVNHS Brigada Eskwela & Adopt A School Program

Share

2020 Brigada Eskwela with the theme, Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan, from June 1 to August 31, 2020.

The Brigada Eskwela is the National Schools Maintenance Week

02/06/2025

πŸ“£ BRIGADA ESKWELA 2025 ANNOUNCEMENT πŸ“£
Tema: "Sama-sama para sa Bayang Bumabasa" πŸ“šπŸ‡΅πŸ‡­

Mga minamahal naming KasiglaHenyos β€” mag-aaral, magulang, g**o, at ating mga internal at external stakeholders:

Muli nating pinagtitibay ang diwa ng bayanihan sa pagdating ng Brigada Eskwela 2025! Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makibahagi sa mga isasagawang aktibidad upang mapanatili at mapabuti ang ating paaralan, habang sabay-sabay nating itinataas ang antas ng kamalayan at suporta para sa literacy at pagbasa sa buong komunidad.

πŸ“… Markahan na ang inyong kalendaryo!

πŸ”§ SIMULTANEOUS ACTIVITIES PARA SA BRIGADA ESKWELA 2025:

πŸš΄β€β™‚οΈ KasiglaHenyos Brigada Motor-Kada
– Sama-samang motorcade bilang panimula ng Brigada Eskwela

🧹 KasiglaHenyos Brigada Kalinisan '25
– Sama-samang paglilinis at pagsasaayos ng paaralan

🩸 KasiglaHenyos Dugong Alay, Dugtong Buhay
– Bloodletting activity at
– HIV Testing & Seminar tungkol sa Gender and Development (GAD)

πŸ‘·β€β™‚οΈ Project KasiglaHandsome
– Pag-aayos at pagpipintura ng mga silid-aralan at pasilidad

πŸ“– Project LEAP (Literacy Empowerment through Action and Partnership)
– Book drive, reading sessions, at literacy campaigns

🌱 KasiglaHenyos Brigada Eskwela '25 Tree Planting
– Pagtatanim ng punong-kahoy para sa mas luntiang kapaligiran

🀝 Ang inyong pakikiisa ay isang mahalagang ambag sa paghubog ng ligtas, maayos, at mapanlikhang espasyo sa pagkatuto para sa lahat. Tara na’t mag-Brigada Eskwela!




Photos from KVNHS Brigada Eskwela & Adopt A School Program's post 20/05/2025

πŸ“£ BRIGADA ESKWELA 2025
πŸ—“οΈ June 9–13, 2025
πŸ“ Kasiglahan Village National High School
πŸ“š Tema: β€œSama-sama para sa Bayang Bumabasa”

Halina’t makiisa, KasiglaHenyos! Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa bagong taon ng pagkatuto. πŸ’ͺ🏽

Narito ang mga aktibidad na inihanda ng Brigada Eskwela Action Team at ng pamunuan ng KVNHS para sa ating komunidad:

βœ… Brigada Eskwela Motor-Kada
βœ… Brigada Eskwela Kick-Off
βœ… Brigada Kalinisan
βœ…Tree Planting "Luntiang Paaralan, Matatag na Kinabukasan"
βœ… Blood Donation Drive: "Dugong Alay, Dugtong Buhay"
βœ… HIV Testing and GAD Seminar
βœ… Project KasiglaHandsome
βœ… Project LEAP (Literacy Empowerment through Action and Partnership)
βœ… KasiglaHeroes Award 2025

🀝 Anumang tulong, oras, kagamitan, o serbisyo ay malaking ambag para sa ating mga mag-aaral at sa kinabukasan ng bayan.

πŸ“Œ Tara na, makiisa at makilahok! Sama-sama tayong maglingkod at magtagumpay!




Photos from KVNHS Brigada Eskwela & Adopt A School Program's post 14/05/2025

🌟 KasiglaHenyos, Tara Na! Brigada Eskwela '25 na! πŸ› οΈπŸ“š
Magka-kasama nating haharapin ang bagong taon ng pagkatuto!
Magsama-sama tayong maglinis, mag-ayos, at magbigay ng malasakit para sa ating paaralang Kasiglahan Village National High School πŸ’™πŸ’›

πŸ“… June 9–13, 2025
πŸ“ Kasiglahan Village National High School

πŸ™Œ Be a Volunteer.
Maging bahagi ng pagbabago. Maging kabahagi ng Bayanihan para sa Edukasyon!
Bawat tulong, maliit man o malaki, ay may malaking epekto sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral. πŸ’ͺ

πŸ”§πŸ§Ή Dalhin ang iyong puso, sipag, at kagamitan at sama-sama tayong magka-BRIGADA!

Kung nais ninyong makibahagi, maaari po kayong makipag-ugnayan kina:

πŸ“Œ Mr. Jayson M. Calim
Brigada Eskwela Coordinator

πŸ“Œ Mr. Bernabe E. Marcos Jr.
Adopt-A-School Program Coordinator

Photos from KVNHS Brigada Eskwela & Adopt A School Program's post 13/05/2025

Paanyaya para sa Brigada Eskwela 2025
Kasiglahan Village National High School
Tema: "Sama-sama para sa bayang bumabasa

Mapagpalang araw KasiglaHenyos!

Malapit na ang Brigada Eskwela! Inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa ating paghahanda para sa pagbubukas ng klase ngayong Taong Panuruan 2025–2026 sa Kasiglahan Village National High School, mula Hunyo 9 hanggang 13, 2025.

Sa temang "Sama-sama para sa bayang bumabasa," pinapalakas natin ang diwa ng pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at buong komunidad upang masig**ong ligtas, maayos, at handa ang ating paaralan para sa mas epektibong pagkatuto.

BukΓ‘s po kami sa anumang uri ng tulong o donasyon gaya ng:

🧹 Mga gamit panlinis – walis, mop, basahan, disinfectants, alcohol
πŸ”§ Kagamitan sa pagkukumpuni o pag-aayos – pintura, brushes, pako, martilyo, kahoy, yero, atbp.
✏️ Mga gamit pampaaralan – whiteboard, marker, eraser, papel, lapis, bolpen, atbp.
🍱 Pagkain o pinansyal na suporta para sa ating mga volunteers
πŸ“š Mga aklat na maaaring i-donate – pambata, panlibangan, pang-akademiko, at pampanitikan
πŸ“– Volunteer Reading Warriors – mga handang magbasa at tumulong sa mga bata para palalimin ang kanilang kakayahang bumasa

Kung nais ninyong makibahagi, maaari po kayong makipag-ugnayan kina:

πŸ“Œ MR. JAYSON M. CALIM
Brigada Eskwela Coordinator

πŸ“Œ MR. BERNABE E. MARCOS JR.
Adopt-A-School Program Coordinator

Kahit maliit na tulong, siguradong malaki ang epekto! Sama-sama nating ipakita ang malasakit at bayanihan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat po, at sana’y makasama namin kayo sa Brigada Eskwela 2025!

11/05/2025

KasiglaHenyos, Tara na, Brigada Eskwela 2025 na!
πŸ—“οΈ Hunyo 9–13, 2025
πŸ“ Kasiglahan Village National High School
🎯 Tema: β€œSama-sama para sa Bayang Bumabasa”

Isang masigla at mainit na paanyaya mula sa mga KasiglaHenyos! Sama-sama nating ipamalas ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa darating na Brigada Eskwela 2025!

Ngayong taon, bitbit natin ang temang:
β€œSama-sama para sa Bayang Bumabasa”, isang panawagan na pagtibayin hindi lang ang pisikal na kaayusan ng ating paaralan, kundi pati ang kakayahang bumasa at umunawa ng bawat batang Pilipino.

🀝 Ano ang maiaambag mo bilang isang KasiglaHenyo?
βœ”οΈ Paglilinis, pag-aayos, at pagre-repair ng mga silid-aralan
βœ”οΈ Pagguhit, pagpipinta, at pagdekorasyon ng learning spaces
βœ”οΈ Donasyon ng mga school supplies, cleaning materials, at libro
βœ”οΈ Paglalahad ng iyong talento, panahon, at pagmamahal sa edukasyon

Ang Brigada Eskwela ay hindi lang paghahanda ng paaralan, ito ay pagkilos tungo sa mas matatag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.
πŸ’‘ KasiglaHenyos, tayo ang lakas ng pagbabago!

Tara na, magkaisa! Sama-sama nating gawing ligtas, malinis, at inspirasyonal ang ating paaralan para sa pagbabalik ng klase.




27/07/2024

π—•π—˜ π—œπ—‘π—™π—’π—₯π— π—˜π—— π—žπ—”π—¦π—œπ—šπ—Ÿπ—”π—›π—˜π—‘π—¬π—’π—¦ πŸ“’

Sa darating na pagbabalik eskwela ngayong taong panuruang 2024-2025, narito ang opisyal na class schedule para sa bawat baitang.

Pinagsisikapan ng pamunuan, mga g**o at magulang ang handa, ligtas at maayos na pagbabalik eskwela sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Para sa iba pang mga katanungan ay makipag-ugnayan lamang sa mga g**ong-tagapayo o magmensahe sa official FB page ng paaralan.




21/07/2024

π—žπ—”π—¦π—œπ—šπ—Ÿπ—”π—›π—˜π—‘π—¬π—’π—¦, 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔 π—žπ—” 𝗑𝗔 𝗕𝗔? π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ž π—˜π—¦π—žπ—ͺπ—˜π—Ÿπ—” 𝗑𝗔! β€οΈπŸ“š

Ang pagbabalik eskwela ay malapit na, miss ka na namin! Siguraduhing nakapag-enroll na dahil July 29 ay pasukan na.

Layunin ng OBE na matiyak ang maayos na pagpapatala ng mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Hangad din nitong tugunan ang mga katanungan at iba pang alalahanin na karaniwang nararanasan ng publiko sa pagsisimula ng school year.

May mga katanungan ka ba tungkol sa pagbubukas ng klase? Narito ang Oplan Balik Eskwela Public Assistance Command Center (OBE-PACC) ng Deped Tayo Blue Rizal Kasiglahan Village National High School upang sagutin ang iyong mga katanungan kaugnay ng muling pagbabalik eskwela.

Malapit na Kasiglahenyos! See you all. β™₯️




Photos from Deped Tayo Blue Rizal Kasiglahan Village National High School's post 21/07/2024
19/07/2024
Want your school to be the top-listed School/college in Rodriguez?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Rodriguez
1860