Lumintao Elementary School

Lumintao Elementary School

Share

SCHOOL HAPPY

06/07/2022

Maraming salamat sa pagbibigay ng oras at pagbabahagi ng kwento ng inspirasyon at pag-asa sa mga batang nagsipagtapos, Ma'am Lorabel B. Balleza.


Photos from Lumintao Elementary School's post 18/01/2021

Thank you DEPED! Thank you Ma'am Helen C. Aquino!

4 Epson L120
1 Epson L3110
3 Brother T-310
bondpapers
ink
alcohol
face masks
tapes
and other school supplies.

22/08/2020

Lubos po kaming nagpapasalamat sa bumubuo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng bayan ng Rizal gayundin sa mga beneficiaries nito sa Sitio Lumintao sa ipinagkaloob nilang 6 reams ng bondpapers.

Maraming maraming salamat po!

photocredit: Mayor Sonny Pablo page.

08/08/2020

CONGRATULATIONS Kassandra Jade U. Tompong for passing the Admission Test for Grade 7 SPECIAL SCIENCE CLASS!

We are so proud of you! 👏👏

08/08/2020

PABATID

Ang LUMINTAO ELEMENTARY SCHOOL ay magkakaroon ng pagpupulong sa darating na AGOSTO 10,2020 araw ng Lunes at AGOSTO 11,2020 araw ng Martes sa paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase. Alinsunod dito, lahat ng magulang/taga pag-alaga ng mga mag-aaral ay inaanyayahang dumalo sa nasabi ng pagpupulong.

Para mapanatili ang Health Precautionary Measures na itinakda ng IATF, KAYO AY PUPUNTA LAMANG SA ARAW AT ORAS NA INILAAN PARA SA INYO. Inaasahan po ng paaralan na mapanatili ang SOCIAL DISTANCING at pagsuot ng FACEMASK bilang pagtugon na din sa polisiyang "NO FACE MASK, NO Entry"

Kalapakip nito ang araw at oras ng inyong pagdalo. Maraming Salamat po.

AGOSTO 10,2020 (2PM)
*KINDERGARTEN
*GRADE 1
*GRADE 2
*GRADE3

AGOSTO 11, 2020(2PM)
*GRADE 4
*GRADE 5
*GRADE 6

29/06/2020

Magandang Araw!

Nais po naming ipabatid sa lahat ng mga magulang o guardian ng aming mga mag-aaral na ang huling araw nang pagpapalista para sa taong panuruan 2020-2021 ay hanggang bukas na lamang(JUNE 30). Mahalaga po na magpalista sa takdang panahon ang mga mag-aaral upang mapasama sa bilang na paglalaanan ng pondo ng pamahalaan. Makipag-ugnayan lamang po sa adviser ng inyong anak upang makasagot sa LESF. Maraming Salamat po!

09/06/2020

Dear Parents, Stakeholders and Friends,

Ang taunang Brigada Eskwela kung saan kalimitan ay nagtutungo ang mga magulang at stakeholders sa paaralan upang sama-samang ihanda ang pisikal na aspekto ng paaralan ay pansamantala pong hindi maisasagawa ngayong taong panuruan dahil sa covid 19... Bagkus,hinihikayat po namin ang lahat ng may mabubuting kalooban na maglaan ng kanilang makakayanan para sa aming mag-aaral sapagkat ito po ang siyang prayoridad natin sa kasalukuyan..

Kung kaya sa panahon ng Brigada Eskwela na nagsimula noong June 1 at hanggang August 29, 2020, ang atin pong mga paaralan ay humihingi ng anumang materyal o pinansyal na donasyon mula sa inyong mga mabubuting puso na lubos naming pasasalamatan.

Kindly message the teachers for any of your pledge/s:
1. 😷 Face masks
2. 🧴🧼Disinfectants
3. 🧼Foot Bath
4. 🧻💊Hygiene kits and Vitamins
5. 🎨 🖌Paint/painting materials
6. 🧹🗑 Cleaning materials
7. 🗃📑 School supplies/ Learning Materials
8. 💊🌡First-aid kits / emergency kits
9. Thermal scanner
10. Others

•Ito po ay malaking tulong sa mga g**o at lalong higit sa mga mag- aaral sa panahong ito.

THANK YOU VERY MUCH AND MAY THE ALMIGHTY FATHER BLESS YOU MORE! 🙏🙏🙏

God bless us all and thanks in advance

03/06/2020

PAKIBASA PO🤩
Update ko lang po kayo regarding sa ating enrollment.
June 1 to June 30, 2020

Paano po ang Enrolment?

✅Wala pong face to face enrolment. Hindi niyo na kailangang magpunta pa sa school para ipaenroll ang inyong mga anak.

Paano po ang proseso ng enrollment?

✅ Kayo po ay kinakailangang mainterview para sa mga mahahalagang detalye. Sa pamamaraang:
A. Phone call
B. Text
C. Messenger
D. Pag sagot sa Enrolment Form
Iniiwasan po natin ang pagkakaroon ng face to face interaction bilang safety precaution for Covid 19.

Paano na po yung mga sumagot na sa ONLINE ENROLMENT/SURVEY?

✅ Para po sa mga nakapagparegister, nakapagpaenroll na gamit ung online survey, automatic enrolled na po kayo. Ngunit kulang ang mga detalyeng hiningi sa online survey. Kaya hinihikayat parin po na makapagpaenroll through phone calls, text or messenger para makumpleto yung kulang na impormasyon.

Magkakaroon po ba ng face to face na klase?
✅ Iniiwasan po natin ang face to face na klase para sa safety ng bata at ng teachers. Ayon po sa Learning Continuity Plan ng Deped, nakaangkla ito sa prinsipyo ng mapangalagaan ang safety and well-being ng learners, teachers at other personnel.

Ibig bang sabihin ONLINE na?

✅ May tinatawag po tayong LEARNING DELIVERY MODALITIES or paraan kung paano matuturuan ang bata. Isa po diyan ang DISTANCE LEARNING:
Ito po yung dalawang klase:
A. Online Distance Learning
B. Modular Distance Learning

Ang ONLINE DISTANCE LEARNING ay para sa mga batang may gadgets na maaaring magamit tulad ng android phone, laptop, desktop at tablet. Para po ito sa mga may maayos na Internet connection.

MODULAR Distance Learning po ay ang paggamit ng mga printed modules and worksheets na sasagutan ng bata sa bahay.

Paano naman po kung walang gadget at wala ring internet connection?

✅ Meron po tayong ibang Learning Delivery Modality para sa kanila.
Meron po tayong MODULES at WORKSHEETS.
Magkakaroon din po ng DEPED TV Channel.

Sinisig**o po ng Deped na sa kabila ng krisis na dala ng Covid, hindi po hihinto ang pagkatuto ng ating mga anak. At ang ibat ibang Learning Delivery Modalities po natin ay pinagaralan ng DepEd para lahat ng bata ay tuloy paring makapag-aral may gadget man o wala, may Internet man o wala.

SALAMAT PO

CTTO

03/06/2020

Magandang Araw!

Sa mga magulang/guardian ng aming mga mag-aaral na nais ipa-enroll ang knilang mga anak ay makipag-ugnayan lamang po sa mga sumusunod:

KINDER and GRADE 1- Ma'am Lovely Javier Gonzales

GRADE 2 and GRADE 3- Ma'am Hazyn Marciano Mateo

GRADE 4,5 and 6- Ma'am Merlinda Laudenio

Maraming Salamat po!

Want your school to be the top-listed School/college in Rizal?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Lumintao
Rizal
5103