20/07/2026
TINGNAN ||
Noong Hulyo 16, 2026, nagsagawa ang Tim Tebow Foundation ng isang makabuluhang pagbabahagi sa Rizal Central School tungkol sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos at sa kahalagahan ng pagpapanatiling ligtas ng bawat mag-aaral sa loob at labas ng paaralan. Nawa'y magsilbi itong paalala na ang bawat bata ay mahalaga, may karapatan sa proteksiyon, at hindi kailanman dapat manahimik sa anumang uri ng pang-aabuso.
Ibinahagi ng isa sa mga tagapagsalita, si Brother Daniel mula sa USA, ang kahulugan ng acronym na SAFE:
S – Secret – Huwag itago ang masasamang sikreto.
A – Alone – Iwasang mapag-isa kasama ang hindi kakilala o hindi pinagkakatiwalaang tao.
F – Force – Walang sinuman ang may karapatang pilitin kang gawin ang anumang bagay na labag sa iyong kalooban.
E – Exchange – Huwag makipagpalitan ng larawan, regalo, o anumang pabor kapalit ng hindi angkop na kahilingan.
Ipinaalala rin na kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong, huwag matakot na magsumbong sa iyong mga magulang, g**o, o ibang pinagkakatiwalaang nakatatanda. Maaari ring tumawag sa Hotline 1383 upang humingi ng agarang tulong.
Bilang pagtatapos ng programa, namahagi ang Tim Tebow Foundation ng mga mini-babasahin sa bawat mag-aaral bilang gabay at paalala sa kanilang pananampalataya at kaligtasan.
Sinundan ito ng isang photo opportunity bilang paggunita sa matagumpay na isinagawang gawain.