05/08/2026
🏅🎉 Pagbati sa mga Atletang Malaya ES! 🎉🏅
Buong pusong binabati ng Malaya Elementary School ang ating mga mahuhusay na atleta sa kanilang matagumpay na paglahok sa nagdaang Pililla Athletic Association Meet.
Ang inyong sipag, disiplina, tiyaga, at dedikasyon ay nagbunga ng karangalan hindi lamang para sa inyong sarili kundi para rin sa ating paaralan. Higit pa sa mga medalya at tagumpay, ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at camaraderie, na nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad ng Malaya ES.
Taos-puso rin naming binabati ang mga atletang nagwagi at nagkamit ng karapatang lumahok sa Palarong Panlalawigan 2026, na gaganapin ngayong Setyembre sa Binangonan at Angono, Rizal. Nawa’y magsilbi itong hakbang tungo sa mas mataas pang tagumpay at mas marami pang oportunidad upang maipakita ang inyong husay at talento.
Patuloy ninyong dalhin ang pangalan ng Malaya ES nang may dangal, puso, at pagmamalaki. Kami ay lubos na ipinagmamalaki ang bawat isa sa inyo!
💙💛 Mabuhay ang mga Atletang Malayans! Padayon sa pag-abot ng inyong mga pangarap at tagumpay! 🏆✨
🥇🏅