15/06/2026
Isang makulay makabuluhang simula ng linggo! 🏳️🌈✨
Ngayong umaga, matagumpay nating idinaos ang ating Lingguhang Flag Raising Ceremony na sinabayan din ng Pagbubukas ng Pride Month Celebration. Pinangunahan ang makasaysayan at makulay na programang ito ng ating butihing School Head, Dr. Emely Florendo Fernandez
Sa ating pambungad na panalangin, binigyang-diin ang mensahe mula sa Awit 86:15—isang paalala na ang ating Panginoon ay isang Diyos na mapagmahal, puno ng awa, mahabagin, at tapat sa ating lahat nang walang pinipili. Ang mensahing ito ang nagsisilbing gabay natin ngayong buwan upang maging mas bukas, may respeto, at mapagmahal sa bawat miyembro ng ating komunidad.
Mabuhay ang pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at pagmamahalan sa ating paaralan!
12/06/2026
🇵🇭 IKA-128 ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS 🇵🇭
Nakikiisa ang Punta Elementary School sa pagdiriwang ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”
Sa araw na ito, ating ginugunita ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nagbigay-daan sa kalayaan ng ating tinatamasa ngayon. Nawa'y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, pagkamakabayan, at pananagutan bilang mga mamamayang Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
11/06/2026
👀 | HEARTFELT APPRECIATION |
📍With grateful hearts, Punta Elementary School extends its sincere thanks to Mayor Jarry Añago for the installation of an air-conditioning unit in our Conference Room through the Special Education Fund (SEF).
We also recognize and thank our Principal, Dr. Emely Florendo Fernandez , for her dedication and efforts in making this project a reality.
Your support continues to make a positive difference in our school. Thank you for helping us create a more comfortable and conducive environment for learning and collaboration.
10/06/2026
Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) Outreach Program
Taos-puso pong nagpapasalamat ang paaralang Elementarya ng Punta sa VMLP Outreach Program sa pangunguna ni Vice Mayor Ramil Escarmosa, ang kabutihang-loob at suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga uniporme para sa aming mga mag-aaral. Ang inyong tulong ay hindi lamang nakapagbigay ng maayos na kasuotan kundi nakapaghatid din ng inspirasyon at pag-asa sa bawat batang makikinabang nito. Nawa'y pagpalain pa kayo nang higit sa inyong ipinamalas na malasakit at pagmamahal sa edukasyon. Maraming salamat po!
09/06/2026
MONITORING FOR OPENING OF CLASSES ✅️
As we officially open another school year, we extend our heartfelt gratitude to everyone who contributed to making this day successful and meaningful for our learners.
Our sincere thanks to Dr. Genalin V. Ceballo, Education Program Supervisor in ESP , Nurse John Henry G. Victorio, our dedicated health partners, for their invaluable support and assistance.
We are also deeply grateful to our supportive PSDSs, Dr. Xandra Cervitillo Cervitillo and Dr. Nerissa Dalumpines , for their guidance, encouragement, and commitment to quality education.
Special thanks to our ever-supportive school principal, Dr. Emely Florendo Fernandez whose leadership continues to inspire our school community and also to Brigada Coordinator, Ma'am Aira Michelle Pillas Francisco
To all teachers, parents, stakeholders, and learners of Punta Elementary School, thank you for your cooperation and dedication.
Welcome back, learners! Let us make this school year a memorable and fruitful one. 📚✨🎉
09/06/2026
✨CONGRATULATIONS ON YOUR PROMOTION🎉🎉
The entire Punta Elementary School Family proudly congratulates Ma'am Aira Michelle C. Pillas on your well-deserved promotion to Teacher IV under the Enhanced Career Progression (ECP)Program.
This remarkable achievement reflects your dedication, preseverance, competence and passion for providing quality education to every learner. Your commitment to excellence and your unwavering service to the teaching profession have truly earned this recognition.
Your Punta Es Family is truly proud of you and celebrates your success with joy and admiration.
08/06/2026
Ang Paaralang Elementarya ng Punta, sa pangunguna ng aming punong-g**o, Dr. Emely F. Fernandez, mga g**o, magulang, at mag-aaral, ay buong pusong nagpapaabot ng pasasalamat kay Kgg. Mayor Jarry Añago at sa bumubuo ng Sangguniang Bayan sa inyong walang sawang suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies sa aming mga mag-aaral.
Ang inyong kabutihan ay magsisilbing inspirasyon sa bawat bata na magpursigi sa pag-aaral. Nawa’y patuloy kayong pagpalain sa inyong tapat na paglilingkod sa bayan.
Muli, maraming salamat po!
08/06/2026
First Flag Ceremony, First Day of School!
Punta Elementary School officially welcomed S.Y. 2026-2027 with a meaningful flag ceremony this morning.
Our school principal, Dr. Emely F. Fernandez, inspired our learners with heartfelt reminders to come to school on time, wear complete uniform, show respect to teachers and classmates, and always do their best in every lesson.
We were also blessed by Pastor Robert Francisco who shared an uplifting message anchored on a Bible verse, reminding everyone to put God first in their studies. As a gesture of love and support, Pastor Robert generously gave school supplies to all learners of Punta ES! 💝📚
Thank you for your kindness and for being a blessing to our Batang Punta.
Here’s to a year of learning, growth, and God’s guidance. Padayon, Punta ES! 💙
07/06/2026
Ang bakasyon ay parang recess...
Mabilis natapos! 😂
Handa na ba kayo sa:
✏️ Bagong lapis?
📖 Bagong aralin?
👫 Bagong kaibigan?
At bagong dahilan para pumasok sa school? 🤭
Tara na at simulan ang panibagong taon ng pag-aaral!
Welcome Back! ✨
05/06/2026
📢 MAHALAGANG ANUNSYO| WALANG PASOK
Ang Punta Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 Taong Anibersaryo ng Lalawigan ng Rizal. Bilang pakikiisa sa mahalagang okasyong ito at alinsunod sa Proclamation No. 1287, idineklara ang Hunyo 11, 2026 (Huwebes) bilang Special Non-Working Holiday sa buong Lalawigan ng Rizal.
Kaugnay nito, walang pasok sa nasabing araw para sa lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.
Nawa’y maging makabuluhan ang paggunita at pagdiriwang ng mahalagang araw na ito para sa ating lalawigan.
Maraming salamat po.
📢 PUBLIC ADVISORY
SPECIAL (NON-WORKING) DAY
Ipinababatid sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Jalajala na alinsunod sa Proclamation No. 1287 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, ang Huwebes, Hunyo 11, 2026 ay idineklarang Special (Non-Working) Day sa buong Lalawigan ng Rizal bilang paggunita sa ika-125 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Rizal.
Ang nasabing deklarasyon ay nagbibigay-daan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga gawain at pagdiriwang kaugnay ng mahalagang okasyong ito.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang at patuloy na ipagmalaki ang mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng Lalawigan ng Rizal.
Source: Official Gazette of the Republic of the Philippines
Read: https://www.officialgazette.gov.ph/2026/06/03/proclamation-no-1287-s-2026/