16/08/2026
Taos-Pusong Pasasalamat | Grand Alumni Homecoming 2026
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng Grand Alumni Homecoming 2026! ❤️
Maraming salamat sa ating mga Alumni—Alumus at Alumnae, sa ating mga minamahal na dating g**o at School Heads, at sa ating dating Alumni President Gng Maribel M. Durante, sa patuloy na pagmamahal at suporta sa ating paaralan.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Lubayat, sa pangunguna ng ating butihing Brgy. Captain Hon. Lionell L. Pranada, kasama ang buong Barangay Council, sa kanilang mahalagang suporta upang maging matagumpay at masaya ang gabing ito.
Sa lahat ng ating generous sponsors, maraming-maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at walang sawang suporta. Kayo po ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng ating pagtitipon. ❤️
Nagpapasalamat din po kami sa kasalukuyang SPTA Officers, sa pangunguna ng ating SPTA President, G. Christian R. Morfe, sa pakikiisa at suporta para sa kapakanan ng ating paaralan.
Sa aming kasalukuyang Lubayat Elementary School Personnel, sa pangunguna ng ating masipag na Punong G**o I, G. Menandro R. Evora, maraming salamat po sa inyong dedikasyon at pagtutulungan.
At higit sa lahat, maraming salamat sa ating PSDS, Mam Ireen O. Aveno, sa patuloy na paggabay at suporta sa Lubayat Elementary School.
Ang Grand Alumni Homecoming 2026 ay naging higit na espesyal dahil sa bawat taong naglaan ng oras, nagbigay ng suporta, at muling nakibahagi sa samahang nabuo sa ating paaralan.
Mula noon, hanggang ngayon—iisa pa rin ang ating tahanan, iisa ang ating pamilya, at iisa ang ating pagmamahal sa Lubayat Elementary School. 💙
MARAMING SALAMAT, MGA KA-ALUMNI!
Hanggang sa muli nating pagkikita! 🥰🎉