24/08/2026
STAN CARAVAN MEETS WORLD CAFE OF OPPORTUNITIES 2026!
Kung trabaho at skills training ang hanap mo, halina at makiisa sa Serbisyo, Trabaho At Negosyo Caravan Meets World Cafe of Opportunities sa Agosto 27, 2026 (Huwebes), 8:00 ng umaga sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Inihahandog ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (QPPESO), katuwang ang TESDA, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng mga oportunidad sa trabaho at skills development para sa mga Quezonian.
Tampok sa aktibidad ang Job Fair at ang pagkakataong makapag-sign up sa ibaβt-ibang skills training programs na handog ng TESDA. Para sa mga nagnanais na magkaroon ng bagong kaalaman, higit na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa paghahanapbuhay at maging mas handa sa pagpasok sa mundo ng paggawa, ihanda ang mga sumusunod:
- Resume
- Valid ID
- ballpen
Huwag palampasin ang pagkakataong makahanap ng oportunidad at i-level up ang iyong skills! TAra Na, mga ka-Hanapbuhay!