DepEd Bagong Silang Elementary School - Quezon province

DepEd Bagong Silang Elementary School - Quezon province Welcome to BSES page,
This page will provide you with a range of information from our visions, aims and curriculum to our policies and practices.

HAPPY BIRTHDAY, MA’AM RUBELYN MONTEFALCON! 🎂🎉May your special day be filled with happiness, love, and beautiful memories...
04/10/2026

HAPPY BIRTHDAY, MA’AM RUBELYN MONTEFALCON! 🎂🎉

May your special day be filled with happiness, love, and beautiful memories. May God bless you with good health, abundant blessings, and continued success in your teaching journey. 🙏✨

Thank you for your dedication, kindness, and passion in serving our learners. We are blessed and grateful to have you as part of the Bagong Silang ES Family! 🏫💕

Enjoy your special day, Ma’am Rubelyn!
Happy Birthday and God bless you always! 🎈🎁🌷

From your BSES Family, with love! ❤️

🌷 HAPPY TEACHERS’ DAY! 🌷Taos-pusong pagbati sa lahat ng masisipag, mapagmahal, at dedikadong g**o ng Bagong Silang Eleme...
04/10/2026

🌷 HAPPY TEACHERS’ DAY! 🌷

Taos-pusong pagbati sa lahat ng masisipag, mapagmahal, at dedikadong g**o ng Bagong Silang Elementary School! 👩‍🏫👨‍🏫

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtuturo, paggabay, pag-unawa, at pagmamahal sa ating mga mag-aaral. Sa bawat aral na inyong ibinabahagi, pangarap ang inyong binibigyang-hugis at kinabukasan ang inyong hinuhubog. ❤️📚

Patuloy kayong maging inspirasyon at liwanag sa buhay ng bawat batang inyong tinuturuan.

Saludo kami sa inyong lahat!
Happy Teachers’ Day, dear teachers of Bagong Silang Elementary School! 🎉🌸
Silang Elementary School
Sinag ng Kaalaman, Silang ng Kinabukasan

03/09/2026

ACTIVE ATTACK SIMULATION

DISCLAIMER

For Drill and Emergency Preparedness Purposes Only

The scenes presented in this video are part of a controlled and pre-planned Active Attack Simulation conducted on September 3, 2026, at Bagong Silang Elementary School.

This activity was organized solely for emergency preparedness, response training, and evaluation purposes. All individuals shown in the video are authorized participants in the simulation, and all events depicted are entirely staged and simulated.

No actual active attack or emergency incident occurred. No participant was intentionally placed in real danger, and no injuries or harm occurred during the conduct of the exercise.

This video should not be interpreted as actual footage of an active attack, security incident, or emergency situation.

This simulation is intended to promote preparedness, awareness, and proper emergency response.







Congratulations and welcome to Bagong Silang Elementary School, Ma’am Rubelyn A. Montefalcon, on your appointment as Tea...
25/06/2026

Congratulations and welcome to Bagong Silang Elementary School, Ma’am Rubelyn A. Montefalcon, on your appointment as Teacher I

We are delighted to have you join our growing family of educators. May your journey with us be filled with meaningful experiences, continuous growth, and success in shaping young minds.

Maraming-maraming salamat po Konsehala Jenra Asis Poblete sa iyong donasyong mga yero, vulcaseal at pako. Malaki po ang ...
20/06/2026

Maraming-maraming salamat po Konsehala Jenra Asis Poblete sa iyong donasyong mga yero, vulcaseal at pako. Malaki po ang maitutulong ng mga ito sa pagpapatayo ng aming makeshift classroom para sa mga mag-aaral ng Kindergarten.
Ang inyong kabutihan at malasakit sa edukasyon ay tunay na nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa aming paaralan at komunidad. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa kapakanan ng aming mga mag-aaral.

Oplan Balik Eskwela SY 2026-2027📝Maraming salamat po Gng. Ireen O. Aveno, District Supervisor, sa pagmomonitor at pagbib...
15/06/2026

Oplan Balik Eskwela SY 2026-2027📝

Maraming salamat po Gng. Ireen O. Aveno, District Supervisor, sa pagmomonitor at pagbibigay ng mahalagang technical assistance para sa matagumpay na implementasyon ng Oplan Balik Eskwela. Ang inyo pong patnubay at suporta ay malaking tulong upang masig**o ang kahandaan at kaayusan ng aming paaralan. Pasasalamat din po kay Bb. Iona P. Portales, School Head, sa kanyang walang sawang pamumuno at paggabay.

Higit sa lahat, pasasalamat sa lahat ng mga magulang at mga g**o na naging katuwang ng paaralan. Ang inyong oras, pagsisikap, at dedikasyon ay nagbigay-daan upang maging ganap na handa ang ating paaralan sa pagbabalik-eskwela.

Sa sama-samang pagtutulungan, tunay ngang napagtatagumpayan natin ang anumang hamon para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

MARAMING SALAMAT, KA-BRIGADA! Buong pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng pamunuan ng paaralan sa lahat ng nakiisa at tu...
11/06/2026

MARAMING SALAMAT, KA-BRIGADA!

Buong pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng pamunuan ng paaralan sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela.

Sa aming masisipag na mga g**o, mapagmalasakit na mga magulang, masigasig na mga volunteers, aktibong SELG officers, Samahan ng SLP, TUPAD, Sangguniang Barangay at sa lahat ng indibidwal at grupong naglaan ng oras, lakas, at suporta, maraming, maraming salamat po!

Ang inyong pagtutulungan at bayanihan ay patunay ng malasakit sa ating paaralan at sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
para sa Edukasyon!

Pasasalamat po ang ipinaabot ng buong pamunuan, mga g**o, magulang, at higit sa lahat ng mga mag-aaral ng Bagong Silang ...
11/06/2026

Pasasalamat po ang ipinaabot ng buong pamunuan, mga g**o, magulang, at higit sa lahat ng mga mag-aaral ng Bagong Silang Elementary School sa Lokal na Pamahalaan ng Real sa pangunguna ni Punong Bayan Julie Ann O. Macasaet.

Malaki po ang aming kagalakan at pasasalamat sa inyong patuloy na suporta sa edukasyon, lalo na sa pamimigay ng school supplies sa lahat ng aming mga mag-aaral. Ang inyong kabutihang-loob ay malaking tulong upang mas mapagaan ang pasanin ng mga magulang at higit na mahikayat ang mga bata na mag-aral nang mabuti.

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa edukasyon. Nawa’y patuloy pa po kayong pagpalain at gabayan sa inyong paglilingkod sa bayan.

Taos-pusong pagbati sa mga nahalal na School Club Presidents na nagsilbing inspirasyon at lider ng kani-kanilang samahan...
11/06/2026

Taos-pusong pagbati sa mga nahalal na School Club Presidents na nagsilbing inspirasyon at lider ng kani-kanilang samahan:

BKBJA – Princess Jhane S. Casquio
JRCYC – Izzy Lastimosa
YES-O – Jinruth Lagrana
YECS – Alysha Fulledo

Nawa’y magsilbi kayong huwaran ng mabuting pamumuno, dedikasyon, at malasakit sa inyong mga kasamahan at sa buong paaralan.

Pagbati rin sa mga nanalo sa District Club Election:
YES-O – Jinruth Lagrana, Public Officer (P.O)
YECS – Alysha Fulledo, Public Officer (P.O)

Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay na hindi lamang para sa inyong sarili kundi para rin sa ating paaralan.

Taos-pusong pasasalamat din sa mga g**o at magulang sa kanilang walang sawang suporta, paggabay, at pakikiisa sa mga gawain ng ating mga mag-aaral. Ang inyong tulong ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng bawat kabataan.
Mabuhay ang kabataang lider! Mabuhay ang ating paaralan!

📣 BRIGADA ESKWELA 2026📣 OPLAN BALIK ESKWELA 2026Bagong Simula, Sama-Samang Paghahanda!Ang Bagong Silang Elementary Schoo...
25/05/2026

📣 BRIGADA ESKWELA 2026
📣 OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Bagong Simula, Sama-Samang Paghahanda!

Ang Bagong Silang Elementary School ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng magulang, mag-aaral, alumni, at mga kaibigan ng paaralan na makiisa sa ating Brigada Eskwela 2026 na gaganapin sa Hunyo 1–5, 2026.

Tema: “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”

Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pasukan!
Narito ang mga paraan kung paano kayo makakatulong:
✅ Maglinis ng silid-aralan at kapaligiran
✅ Mag-ayos at magkumpuni ng mga kagamitan
✅ Mag-donate ng cleaning materials at school supplies
✅ Mag-volunteer ng inyong oras at kakayahan

📌 Mahahalagang Petsa:
🗓️ Enrollment: June 1–5, 2026
🗓️ Brigada Eskwela: June 1–5, 2026
🗓️ Simula ng Klase: June 8, 2026

Address

BAGONG SILANG
Real
4335

Telephone

+639064953842

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Bagong Silang Elementary School - Quezon province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share