30/09/2026
๐ TAOS-PUSONG PASASALAMAT! ๐
Lubos po ang aming pasasalamat kay Dr. Merthel M. Evardome at kay Hon. Mayor Ross Rizal ng Calamba City sa inyong kabutihan, malasakit, at walang sawang suporta sa edukasyon.
Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng school supplies para sa mga mag-aaral ng Real Central Elementary School. Ang inyong munting handog ay malaking tulong upang higit na maging handa, masigasig, at masaya ang aming mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. ๐โ๏ธ๐
Ang inyong pagmamalasakit sa mga bata ay isang inspirasyon at patunay na kapag nagtutulungan ang komunidad, paaralan, at mga lingkod-bayan, mas napapabuti ang kinabukasan ng ating mga kabataan.
Maraming maraming salamat po, Dr. Merthel M. Evardome at Hon. Mayor Ross Rizal! โค๏ธ
Mula sa Real Central Elementary School, maraming salamat sa inyong suporta at kabutihang-loob. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gamitin bilang instrumento ng serbisyo at malasakit sa ating mga kabataan. ๐๐
โAng bawat school supply na inyong ipinagkaloob ay dagdag na pag-asa at inspirasyon para sa bawat batang nangangarap.โ ๐๐