07/09/2026
Maraming, maraming salamat po! π
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Tanauan, Real, Quezon sa agarang pagsasaayos at pagkukumpuni ng bubong ng isa sa aming mga school buildings na may tatlong classrooms.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa pangunguna ng aming butihing Punong Barangay Rodelio L. Torres at sa hands-on na pag-aasikaso ni Kagawad Diannara R. Manlugon upang matiyak na maayos ang pagkakagawa.
Sa wakas, hindi na po tutulo ang bubong kapag umuulan! π§οΈπ«β€οΈ
Malaking tulong po ito sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at komportableng learning environment para sa ating mga mag-aaral at g**o.
Looking forward po kami sa katuparan ng inyong magandang hangarin na maisaayos din ang iba pang bubong ng ating paaralan sa susunod na taon. Malaking tulong po ito para sa kaligtasan at kaginhawaan ng ating mga mag-aaral at g**o.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na suporta sa Tanauan Elementary School. ππ
Sana po ay patuloy tayong magtulungan para sa kapakanan at ikabubuti ng ating mga mag-aaral.
Mabuhay po ang Sangguniang Barangay ng Tanauan! πππ«