12/12/2020
PAALALA SA MGA ESTUDYANTE NG TARALETS! 😊
Pakibasa:
Magandang araw sa inyo mga minamahal naming tutees. Nais lang naming liwanaging muli sa inyo at paaalalahanan kayo patungkol sa kung ano ang tunay na layunin ng tARALets kaya ito nabuo at piniling maisakatuparan. Pinakananais naming mga tutors ninyo na matulungan kayong kapwa naming mag-aaral na mas maintindihan ang buong nilalaman ng inyong mga modyul sa pamamagitan ng mas simple at maaabot ng inyong pang unawa na pagtuturo. Ito ay dahil nga sa katotohanang tanging background informations lamang ng mga lesson ang mga naibigay sa inyong mga modyul. Sinisikap namin na ipaunawa sa inyo ang mga lektura upang ganap ninyong maunawaan ang mga ito at makayanang masagot lahat ng aktibidades na kinakailangan ninyong matapos at maipasa. Kaya sana ay huwag namang direktang ipasagot sa tutor ang inyong activities sapagkat unang una ay taliwas iyon sa nasabing layunin namin at maaaring mangahulugang wala kayong natutunan sa diskusyon , maaaring baka hindi ninyo talaga sinubukang intindihin ito at maaari din namang gusto na lamang ng iba ang kasagutan agad sa mga activities kaya't saka lamang nagsesend ng module sa tutors kapag malapit na ang deadline ng pagpasa. Mahigpit naming ibinibilin sa inyo na hangga't maaari ay huwag sanang ganito ang maging kalabasan ng ating pagtutulungan kundi :
1. Malayo pa ang deadline ay isend na sa tutor ninyo ang module upang mapag aralan niya ito at maituro sa inyo ang lecture part
2. Huwag pipiliing magsend kung kailan malapit na ang deadline ng pagpasa at huwag sanang magdahilan na sagutin na lamang ng tutor ang activities dahil walang saysay ang pag-aaral kung ganun
- hindi namin kayo pinagdadamutan kundi nais naming makita na may natututunan kayo sa amin at nai-aapply ninyo ito sa pagsagot ng inyong activities. Kung hindi sapat ang naibigay na diskusyon ng inyong tutor ay piliing humingi pa ng dagdag na examples dahil iyon ang nararapat na ibigay ng tutor upang mas maunawaan ninyo ang leksyon. Sana ay maliwanag sa inyong lahat ang aming paala-ala