22/08/2026
🤝 Higit Pa sa Panalo. 🤝
Kahapon, nagkaisa ang buong Laguio Elementary School—hindi lang para maglaban laban, kundi para ipakita ang tunay na diwa ng pagkakapatiran at sportsmanship. ❤️
Mula sa unang sipol hanggang sa huling buzzer, pinatunayan ng ating mga atleta na ang tunay na tagumpay ay nasa pagsisikap at paggalang sa isa't isa. 🏅
Congratulations sa lahat ng nanalo, at Salamat po sa mga taong naging parte at tumulong para maging matagumpay ang ating School Intramurals 2026.
Sa ating Teaching and Non Teaching Staff, School Sports Coordinator, Sir Erwin Almuete, School Head, Evelyn P. Valenciano, School PTA President Rio Aures, Laguio Brgy Council at sa aming mga mag-aaral, malaking palakpakan sa bawat koponan na nagbigay ng kanilang makakaya! 🫡🫡🫡
Ipinagmamalaki namin kayong lahat! 🌟