08/03/2026
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ง๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฎ๐ป
May mga atletang tumatakbo habang may pasan sa leeg.
Hindi iyon medalya kundi responsibilidad.
Sa bawat dribble, sa bawat talon, sa bawat hampas ng bola, may kapalit. May mga gabing piniling mag-ensayo kaysa magpahinga. May mga umagang pumasok sa klase na dala ang pagod ng kahapon. May mga atletang ngumiti sa court kahit may iniindang sakit pisikal at higit sa lahat, tahimik.
Hindi lahat ng laban ay may palakpakan. Kapag panalo, may sigawan. Kapag natalo, katahimikan. Ngunit kahit walang ingay, patuloy pa rin silang bumabalik, dahil bitbit nila ang pangalan ng kanilang paaralan. Ire-representa ang bawat estudyante at g**o, ilalaban hanggang dulo, dala ang nag-aalab at di papigil na puso sa laro.
Marami sa kanila ang naglalaro nang kulang sa suporta. Kulang sa kagamitan. Kulang sa pahinga. Ngunit hindi kulang sa puso. Hindi kulang sa tapang. Hindi kulang sa pagmamahal sa paaralang kinakatawan nila.
Kaya huwag nating tawaging regalo ang tropeo. Hindi iyon ibinibigay, pinaglalaban iyon. Pinaghihirapan. At minsan, ipinagpapalit sa sariling pahinga at katahimikan.
Ang tunay na sukatan ng isang paaralan ay hindi kung gaano karaming tropeo ang naka-display, kundi kung paano nito pinapahalagahan ang mga atletang nagbuhat ng bigat para makamit ang mga iyon.
Sapagkat bago maging tropeo ang tagumpay, naging pasan muna ito. At ang bigat na iyon ay binuhat ng mga atletang bihirang mabigyan ng sapat na pagkilala.
๐จ: Marco Evangelista