17/12/2025
BFP, Naghatid ng Paalala at Kaalaman sa Fire Safety sa mga Mag-aaral
Nagbigay ng mahahalagang paalala at kaalaman sa kaligtasan ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbisita sa paaralan bilang bahagi ng kampanyang pagpapalaganap ng wastong kaalaman hinggil sa pag-iwas sa sunog at mga kaugnay na panganib.
Tinalakay sa isinagawang oryentasyon ang Oplan Paalala:Iwas Paputok lalo na sa nalalapit na pasko at bagong taon.Narito Ang iba pang tinalakay sa naturang oryentasyon:Ang tamang paggamit ng fire extinguisher,ang wastong hakbang na dapat gawin kapag umaapoy ang gasul, kabilang ang pananatiling kalmado, pagpatay sa pinanggagalingan ng apoy kung ligtas, at agarang paghingi ng tulong sa mga awtoridad.
Ayon sa BFP, mahalagang maagang matutunan ng mga mag-aaral ang tamang kaalaman sa fire safety upang maiwasan ang aksidente at mailigtas ang buhay at ari-arian. Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral at g**o sa talakayan, lalo na sa aktuwal na demonstrasyon ng paggamit ng fire extinguisher.
Sa pamamagitan ng ganitong gawain, pinagtitibay ng BFP at ng paaralan ang kanilang layunin na makabuo ng isang komunidad na handa, maalam, at responsable sa oras ng sakuna, lalo na pagdating sa usapin ng sunog.
Ayon Kay Ginoong Santos Bal-iyang ,"Malaking tulong ito sa aming lahat, Lalo na sa mga mag-aaral na Wala pang Kaalaman kung paano ang gagawin kapag umaapoy ang gasul".
Dagdag pa Niya na mahalagang palaginh itsek ang mga gasul na nakasara kapag Hindi ito ginagamit.
Maraming Salamat BFP, Quirino,Ilocos Sur.