22/07/2026
Quinapondan E. Samar- Isang matagumpay na hakbang tungo sa patuloy na pagpapahusay ng kalidad na edukasyon ang isinagawang Monitoring para sa Strengthened Senior High School (SSHS) Program Implementation ngayong araw, Hulyo 22, 2026 sa Quinapondan National High School.
Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri, pagbibigay ng teknikal na suporta, at bukas na talakayan sa pagitan ng monitoring team sa pangunguna nina Maam Marcosa Aserit ,sir Sam Flores at Maam Rosana Catuday at ng mga g**o, naipakita ng paaralan ang matatag nitong paghahanda at sama-samang pagsisikap sa epektibong pagpapatupad ng SSHS.
Ang gawaing ito ay nagsilbing patunay ng dedikasyon ng buong komunidad ng paaralan sa paghahatid ng de-kalidad, makabuluhan, at makabagong edukasyon para sa bawat mag-aaral.