06/09/2026
SEPTEMBER 4-6, 2026 — Mula sa munting paaralan ng Guinhawa Elementary School, buong pagmamalaki naming binabati ang ating mga batang mamamahayag na buong tapang na kinatawan ang ating paaralan sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 na ginanap sa Gumaca, Quezon!
Buong pagmamalaki naming binabati si
LEIGH JOURNEY VILLAFLOR – na nagkamit ng 2ND PLACE para Column Writing – English
Isang malaking tagumpay ang kaniyang nakamit. Isa siya sa mga mag-aaral na kakatawan sa ating Division sa nalalapit na Reconfigured Regional Schools Press Conference (RRSPC) 2026.
Gayundin, isang mainit na pagbati para sa lahat ng ating DSPC participants na buong puso at tapang na lumahok sa kani-kanilang kategorya:
STEFHANIE ANNE A. MAGALLON - Pagsulat ng Lathalain
SOLEI A. CERVANTES - Feature Writing
MARIA SOPHIA O. OLINO - Photojournalism
LEANE STEPHIE A. PEPITO - Pagkuha ng Larawang Pampahayagan
RAIN FRANCIS P. MARAPAO - Pagwawasto at Pag-uulo ng Sipi
SOHAN T. BASNET - Copy Editing and Headline Writing
JAZIEL B. PENSADER - Editorial Writing
KIETH LEYTON O. TALAVERA - Balita
JOHN RON V. PEPITO - Artikulong Agham/Kalusugan
NEIL CYRUS L. SALVACION - Pagsulat ng Artikulong Isports
Ang bawat isa ay panalo sa karanasan, kaalaman, at tapang na kanilang ipinakita kaya naman higit pa sa kompetisyon, naging makabuluhan at masaya ang kanilang paglalakbay sa bayan ng Gumaca. Nagkaroon sila ng pagkakataong mamasyal, makita ang magagandang lugar ng bayan, magsaya kasama ang kanilang mga kapwa mag-aaral, at lumikha ng mga alaala na tiyak na kanilang baon sa mga susunod pang taon.
Malaking bahagi ng tagumpay na ito ang dedikasyon at paggabay ng ating mga kahanga-hangang g**o at coaches: Ma’am Monica L. Recto, Ma’am Ma. Rosanna O. Olino at Ma’am Donnalyn S. Cantara
Maraming salamat po sa inyong oras, tiyaga, kaalaman, at walang sawang paggabay sa ating mga batang mamamahayag.
Maraming salamat rin sa ating mga g**o at magulang na patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa mga kakayahan ng mga mag-aaral, at sa ating School Head, Ma'am Jocelyn C. Villaverde sa walang sawang pagsuporta at paggabay.
Congratulations, Guinhawa ES Young Journalists!
Para sa patuloy na paghubog pa ng inyong mga kakayanan at talento!
Arya, Guinhawa!