19/07/2026
Maraming Salamat, BAKAP! ππ
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Binahian B Elementary School sa BAKAP para sa mga regalong ipinagkaloob sa mga piling mag-aaral ng Binahian B at Binahian C.
Lubos din po naming pinasasalamatan si Hon. Amilyn A. Argosino, Barangay Kagawad ng Binahian B, at ang pangulo ng kanilang samahan, sa inyong walang sawang suporta, malasakit, at kagandahang-loob na inyong ibinahagi sa aming mga mag-aaral.
Ang inyong kabutihan ay nagbigay ng ngiti, pag-asa, at inspirasyon sa bawat batang tumanggap ng inyong munting handog. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at bigyan pa ng lakas upang maipagpatuloy ang inyong adbokasiya sa pagtulong sa komunidad.
Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at malasakit sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan!