Filipino Club - Eduardo L. Joson Memorial High School

Filipino Club - Eduardo L. Joson Memorial High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Filipino Club - Eduardo L. Joson Memorial High School, School, BERTESE, Quezon.

Sa bawat titik ng Filipino at himig ng mga katutubong wika, nakaukit ang ating kasaysayan at pagkakakilanlan. Sa kanilan...
30/08/2025

Sa bawat titik ng Filipino at himig ng mga katutubong wika, nakaukit ang ating kasaysayan at pagkakakilanlan. Sa kanilang paglinang, muling sumisigla ang diwa ng pagkakaisa ng sambayanan. Kaisa ang ELJMHS sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa bilang patunay na habang buhay ang wika, nananatiling buo ang ating lahi na nagbuklod sa bansa.



โ€œSa bawat kwento, buhay ang kultura; sa bawat salita, sumisiklab ang diwang Pilipino.โ€Ipinamalas ng mga mag-aaral mula s...
27/08/2025

โ€œSa bawat kwento, buhay ang kultura; sa bawat salita, sumisiklab ang diwang Pilipino.โ€
Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Baitang 7 ang kanilang husay at talino sa malikhaing pagkukuwento bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025.
Sa kanilang mga kwento, naipadama ang pagmamahal sa sariling wika at pagkakakilanlang Pilipino. ๐Ÿ’™๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


Sa saliw ng iisang tinig, sabay-sabay na ipinamalas ng mga piling mag-aaral ng ikawalong baitang ang lakas ng paninindig...
19/08/2025

Sa saliw ng iisang tinig, sabay-sabay na ipinamalas ng mga piling mag-aaral ng ikawalong baitang ang lakas ng paninindigan, alab ng damdaming makabayan, at ningning ng pagmamahal sa sariling wika. Sa entabladong pinag-alayan ng pawis at sigaw, binigyang-buhay nila ang diwa ng Buwan ng Wikang Pambansaโ€”isang pagpupugay sa wikang Filipino bilang sagisag ng ating kasarinlan, pagkakaisa, at kultura. Mabuhay ang wikang Filipino at wikang Katutubo!

Sa bawat salitang binigkas at pusong inilapat, muling sumigla ang diwa ng ating pagkakakilanlan. Ang mga mag-aaral ng Gr...
18/08/2025

Sa bawat salitang binigkas at pusong inilapat, muling sumigla ang diwa ng ating pagkakakilanlan. Ang mga mag-aaral ng Grade 9 ay naging tinig ng wikaโ€”matapang, malikhain, at makabayan. Isang araw ng damdamin, tula, at pagmamahal sa sariling wika. Mabuhay ang Buwan ng Wika!"


Kulayan ang Wika, Igalang ang Kultura! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa bawat guhit, kulay, at imahinasyon โ€” buhay na buhay ang diwa ng pagmamalaki ...
12/08/2025

Kulayan ang Wika, Igalang ang Kultura! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
Sa bawat guhit, kulay, at imahinasyon โ€” buhay na buhay ang diwa ng pagmamalaki sa wikang Katutubo at wikang Filipino
Ang mga mag-aaral ng Grade 8 ay buong sigasig na lumikha ng mga obrang sumasalamin sa kahalagahan ng wikang Filipino sa ating pagkakakilanlan.

๐ŸŽจ Isang sining na nagsasalita.
๐Ÿ–‹๏ธ Isang wika na may saysay.
โค๏ธ Isang kabataang may pagmamalasakit.

Saludo sa inyong malikhaing paggunita ng Buwan ng Wika 2025! Mabuhay ang sining, mabuhay ang wikang Filipino!



Taos-pusong pagbati sa mag-aaral mula sa ika-10 baitang na aktibong lumahok sa paggawa ng slogan bilang bahagi ng pagdir...
09/08/2025

Taos-pusong pagbati sa mag-aaral mula sa ika-10 baitang na aktibong lumahok sa paggawa ng slogan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.


Taos-pusong pasasalamat sa inyong pagtangkilik. Ang  booth ng Filipino Club ay naging bahagi ng makulay at matagumpay na...
05/08/2025

Taos-pusong pasasalamat sa inyong pagtangkilik. Ang booth ng Filipino Club ay naging bahagi ng makulay at matagumpay na pagdiriwang ng ika-31 taong pagkakatatag ng mahal nating paaralan Eduardo L. Joson Memorial High School! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™

05/08/2025

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—˜๐—Ÿ๐—๐— ๐—›๐—ฆ!๐ŸŽ‰๐Ÿฅฐ

Taos-puso naming ipinapaabot ang maligayang pagbati sa I๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฏ๐Ÿญ ๐—ง๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ng ating minamahal na ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป Eduardo L. Joson Memorial High School na may temang; "๐Ÿ‘๐Ÿ ๐‘ป๐’‚๐’๐’ ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’–๐’•๐’–๐’๐’–๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐‘ป๐’–๐’๐’ˆ๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’‚๐’•๐’—๐‘ป๐’‚๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‘๐’‚๐’š*.

Napakaraming mahahalagang tagumpay at alaala ang nabuo sa loob ng tatlong dekadang pang-akademikoโ€”mula sa malaking kontribusyon sa edukasyon, sa paglago ng mga estudyante, pagtamo ng mga parangal, at lalim ng paglilingkod sa sambayanan.

Ngayong ikaโ€‘31 taon ng ating paaralan, sabay-sabay nating itaguyod ang pangakong
patuloy na pagsisikap sa ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‰๐’–๐’ƒ๐’๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’Ž๐’‚๐’‰๐’–๐’”๐’‚๐’š ๐’๐’‚ ๐’‚๐’“๐’‚๐’, ๐’Ž๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’Š๐’”๐’Š๐’‘, ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’“๐’‚๐’Œ๐’•๐’†๐’“.

Halina at makiisa sa ating pagdiriwang. Mula sa nakaraan patungo sa hinaharap. Sa paggabay ng ating butihing Punongguro, Ma'am Virginia Domingo Fernandez

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐„๐‹๐‰๐Œ๐‡๐’ โœจ๐Ÿ’•๐Ÿ’“๐Ÿ’—

Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
03/08/2025

Maligayang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Address

BERTESE
Quezon
3113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Filipino Club - Eduardo L. Joson Memorial High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category