29/03/2026
🎓 Sta. Catalina Elementary School Graduation Day 🎓
School Year 2025–2026
“Kabataang Pilipino: May Kalidad na Edukasyon, Sandigan ng Kinabukasan”
Isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ng pagtatapos para sa ating mga mag-aaral ng Grade 6! 🌟
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng okasyong ito—sa ating mga panauhing pandangal, lalo na sa ating Guest Speaker, Amado Vidal, at sa ating Confirming Officer, Juanito Merle , kasama ang Atimonan II PSDS Ma’am Caridad Carreon Grimaldo , gayundin sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap. Lea Vidal, sa kanilang walang sawang suporta.
Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng ating mga g**o SA pangunguna ni Sir Salvador P Malaga Jr. , lalo na sa Tagapayong G**o ng Grade 6 na si Ma’am Karyn Joy Valladolid , na gumabay sa ating mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay.
Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat sa mga magulang na naging katuwang sa paghubog ng ating mga magtatapos.
🎉 Malugod na pagbati sa Batch 2026! Nawa’y magsilbi itong bagong simula tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pangarap at maging inspirasyon sa iba. 💙