DepEd Anahawan Elementary School

DepEd Anahawan Elementary School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Anahawan Elementary School, School, Quezon.

18/08/2026

๐Ÿ“ข ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž | ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐— ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฒ๐˜€) โ€“ ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก ๐——๐—”๐—ฌ
Bukas, Agosto 19, 2026, ay ipinagdiriwang ang Araw ni Quezon bilang paggunita sa kapanganakan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.

๐Ÿ“Œ Ang nasabing araw ay itinuturing na ๐‘บ๐’‘๐’†๐’„๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ต๐’๐’-๐‘พ๐’๐’“๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฏ๐’๐’๐’Š๐’…๐’‚๐’š sa Lalawigan ng Quezon, Lalawigan ng Aurora, at Lungsod ng Quezon.

17/08/2026

KARANGALAN SA KASUOTANG PILIPINO 2026!

Isang masigabong pagbati at pagpupugay sa ating mga mag-aaral na itinanghal na may PINAKAMAGANDANG KASUOTANG PILIPINO 2026 ng Anahawan Elementary School!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 isinagawa ang pagpili ng mga mag-aaral na may pinakamahusay at pinakamagandang kasuotang Pilipino sa oras ng Flag Ceremony.

MGA ITINANGHAL NA PINAKAMAGANDANG KASUOTANG PILIPINO 2026:

Jarel D. Loresto
Kylie Zemira P. Marjes
B-Jhay P. Pacala
Nathalie Faye D. Septimo

Ang inyong kasuotan ay hindi lamang larawan ng kagandahan at pagiging presentable, kundi isang pagpapahalaga sa ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlang Pilipino.

Patuloy nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino at panatilihing buhay ang ating kultura sa bawat henerasyon!

Mabuhay ang Wikang Pambansa! Mabuhay ang Kulturang Pilipino!




Photos from DepEd Anahawan Elementary School's post 11/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—”๐—ช๐—”๐—ก ๐—˜๐—ฆ

Buong pagmamalaki at pasasalamat ang ipinapaabot ng Anahawan Elementary School sa ating mga magigiting na manlalaro na buong husay, tapang, at disiplina na nakilahok sa Palarong Pambayan 2026, na ginanap sa Calauag, Quezon noong Agosto 8, 2026. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‘

Hindi lamang medalya at panalo ang sukatan ng tagumpayโ€”ang tunay na tagumpay ay ang tapang na lumaban, disiplina sa bawat laro, at dedikasyong kumatawan sa ating paaralan. ๐Ÿ’š

โ™Ÿ๏ธ CHESS โ€“ GIRLS
โ€ข Alhex Andrea C. Beldad
โ€ข Nhatalie Faye D. Septimo

โ™Ÿ๏ธ CHESS โ€“ BOYS
โ€ข Jeric F. Beldad
โ€ข Alden D. Danseco

๐Ÿธ BADMINTON โ€“ GIRLS SINGLES
โ€ข Khate Angel M. Florido
โ€ข Kate Emerald P. Latuna

๐Ÿธ BADMINTON โ€“ GIRLS DOUBLES
โ€ข Kiesha Nathalie B. Cabanela
โ€ข Jezzelle Claire R. Celis

๐Ÿธ BADMINTON โ€“ BOYS SINGLES
โ€ข Denver James E. Coralde
โ€ข Niel Ezekiel M. Cocamas

๐Ÿธ BADMINTON โ€“ BOYS DOUBLES
โ€ข Cyros S. Mojico
โ€ข Francis Cyril M. Cas

๐ŸŒŸ๐Ÿธ ESPESYAL NA PAGKILALA ๐Ÿ†

Isang natatanging pagkilala ang iginawad kay KHATE ANGEL M. FLORIDO para sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang ๐Ÿฅ‡ 1ST PLACE โ€“ BADMINTON GIRLS SINGLES sa Palarong Pambayan 2026!

Ang iyong husay, tiyaga, disiplina, at determinasyon ay nagsilbing inspirasyon sa buong Anahawan Elementary School. Ipinagmamalaki ka namin, Khate Angel!

Mabuhay ang ating mga manlalaro! Ang inyong pagsisikap, sportsmanship, at dedikasyon ay tunay na karangalan ng Anahawan Elementary School.

Patuloy kayong magsanay, mangarap, at lumaban nang buong puso. Sa bawat palo, tira, galaw, at labanโ€”dala ninyo ang buong suporta at pagmamalaki ng ANAHAWAN ES!

Photos from DepEd Anahawan Elementary School's post 11/08/2026

๐—ž๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ข๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข, ๐—ฆ๐—”๐—š๐—œ๐—ฆ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—ก!

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang โ€œWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,โ€ buong pagmamalaking isinusulong ng Anahawan Elementary School ang pagsusuot ng kasuotang Pilipino at katutubong kasuotan tuwing Seremonya ng Pagtataas ng Watawat.

Sa bawat Lunes ng ating pagtitipon, hindi lamang natin ipinapakita ang ating paggalang sa watawat at pagmamahal sa bayan, kundi ipinagmamalaki rin natin ang makulay na kultura, tradisyon, at pagkakakilanlang Pilipino.

Sa makabagong panahon ng teknolohiya at Artificial Intelligence, patuloy nating binibigyang-halaga ang Wikang Filipino at kulturang Pilipino bilang mahalagang bahagi ng ating pagkatao at pagkakaisa.

Kasuotang Pilipino, kultura nating buhayโ€”ipagmalaki at pahalagahan!







09/08/2026

๐–๐€๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐’๐Ž๐Š | Alinsunod sa ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐Ž๐ซ๐๐ž๐ซ ๐๐จ. ๐Ÿ๐Ÿ• ๐ฌ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” na nilagdaan ni ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐š ๐Ž. ๐•๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐๐ž, ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐๐ข๐๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ค๐ฅ๐š๐ฌ๐ž (๐Ÿ๐š๐œ๐ž-๐ญ๐จ-๐Ÿ๐š๐œ๐ž) bukas, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ), sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko at pribado, sa Bayan ng Calauag, dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng ๐„๐ง๐ก๐š๐ง๐œ๐ž๐ ๐’๐จ๐ฎ๐ญ๐ก๐ฐ๐ž๐ฌ๐ญ ๐Œ๐จ๐ง๐ฌ๐จ๐จ๐ง (๐‡๐š๐›๐š๐ ๐š๐ญ).

Kasama rin sa suspensyon ang mga g**o at non-teaching personnel upang mabigyan sila ng pagkakataong manatili sa ligtas na lugar at maiwasan ang mga panganib na maaaring dulot ng patuloy na pag-ulan.

Maaaring ipatupad ng mga paaralan ang angkop na ๐€๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ƒ๐ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ ๐Œ๐จ๐๐ž๐ฌ (๐€๐ƒ๐Œ) o iba pang learning arrangements kung ito ay ligtas at naaayon sa umiiral na mga patakaran ng Department of Education.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat, manatiling alerto, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa ๐ƒ๐Ž๐’๐“-๐๐€๐†๐€๐’๐€, ๐‚๐š๐ฅ๐š๐ฎ๐š๐  ๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž, at iba pang kinauukulang ahensya.
Mag-ingat po tayong lahat.


09/08/2026

CONGRATULATIONS, KHATE ANGEL M. FLORIDO! ๐Ÿ’š๐Ÿธ

Anahawan Elementary School proudly celebrates your 1st Place victory in Girlsโ€™ Singles Badminton! ๐Ÿฅ‡๐Ÿ†

Your dedication, discipline, determination, and passion for the sport have truly paid off. You have shown that with hard work and perseverance, dreams can become victories! ๐Ÿ’ชโœจ

๐ŸŒŸ ROAD TO PALARONG QUEZON! ๐ŸŒŸ
Keep training, keep believing, and keep making ANAHAWAN ES proud! ๐Ÿ’š

Padayon, Khate Angel! Your AES family is cheering for you all the way! ๐Ÿธ

Photos from DepEd Anahawan Elementary School's post 09/08/2026

๐†๐€๐‹๐ˆ๐๐† ๐€๐“ ๐ƒ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐‹๐ˆ๐๐€: ๐€๐๐€๐‡๐€๐–๐€๐ ๐„๐’ ๐’๐€ ๐‚๐€๐‹๐€๐”๐€๐† ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐€๐˜๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!

Buong puso at pagmamalaki nating ipinagbubunyi ang mga manlalaro ng Anahawan Elementary School na buong tapang at determinasyong nakilahok sa Calauag Palarong Pambayan 2026. Ipinakita ng ating mga batang atleta ang kanilang husay, sipag, tiyaga, disiplina, at tunay na diwa ng sportsmanship sa bawat laban na kanilang hinarap.

Sa larangan ng Badminton, buong dedikasyon silang ginabayan nina Maโ€™am Genelen E. Durante at Maโ€™am Joanna Marie A. Pereira, habang sa Chess, buong tiyaga at malasakit na umalalay sina Maโ€™am Joan A. Comia at Maโ€™am Glaiza I. Panotes.

Patuloy namang naging katuwang at tagapagsanay ng ating mga atleta si Sir Milden L. Segarra, School Sports Coordinator, na naglaan ng panahon, gabay, at suporta upang maihanda ang mga manlalaro sa kompetisyon. Sa pamumuno naman ni Sir Sherwin L. Inofre, School Principal, patuloy na sinusuportahan ng Anahawan Elementary School ang pagpapaunlad ng talento at kakayahan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng palakasan.

Higit sa anumang medalya o parangal, ang bawat pawis, pagsisikap, tapang, at karanasang natamo ng ating mga atleta ay isang tagumpay na maipagmamalaki ng buong Anahawan Elementary School.

Mabuhay ang mga Atletang Anahawan!
Laban, Anahawan ES!
Proud AES!






06/08/2026

โ™Ÿ๏ธ๐Ÿ’š Best of Luck, Anahawan ES Chess Team!๐Ÿ’šโ™Ÿ๏ธ

Ang buong Anahawan Elementary School ay buong pusong sumusuporta at nagbubunyi sa ating mga mag-aaral na kakatawan sa ating paaralan sa larangan ng Chess.

Dalhin ninyo ang inyong talino, disiplina, at determinasyon sa bawat galaw. Nawa'y maging inspirasyon ang inyong sipag at dedikasyon upang maipakita ang husay at magandang sportsmanship na siyang tunay na tatak ng isang Anahawanian.

Anuman ang maging resulta, ipinagmamalaki na namin ang inyong pagsisikap at tapang na lumaban para sa ating paaralan.

Good luck, Anahawan ES Chess Team!
Think Smart. Play with Confidence. Make Anahawan Proud!โ™Ÿ๏ธ๐Ÿ†๐Ÿ’š

06/08/2026

๐Ÿธ๐Ÿ’š Laban, Anahawan ES Badminton Players! ๐Ÿ’š๐Ÿธ

Buong pusong ipinapadala ng Anahawan Elementary School ang aming taos-pusong suporta at pagbati sa ating mga badminton players na buong tapang na kakatawan sa ating paaralan.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang inyong sipag, disiplina, at dedikasyon sa bawat laban. Anuman ang maging resulta, ipinagmamalaki na namin ang inyong pagsisikap at determinasyong ibigay ang inyong pinakamahusay.

Good luck, Anahawan ES Badminton Team! ๐Ÿ’ช๐Ÿธ
Play with heart. Play with pride. Bring home the victory! ๐Ÿ’š๐Ÿ’›

03/08/2026

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ช๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—” 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Malugod na nakikiisa ang Anahawan ES sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang:

"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Ang temang ito ay nagpapaalala sa atin na ang Wikang Filipino ay nananatiling mahalagang kasangkapan sa paghubog ng kaalaman, pagpapayaman ng kultura, at pagpapatibay ng ating pambansang pagkakakilanlan. Kasabay ng pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI), higit nating mapapalawak ang pananaliksik at pag-access sa impormasyon habang patuloy na pinahahalagahan at ginagamit ang ating sariling wika.

Sa buong buwan ng Agosto, magsasagawa ang Anahawan ES ng iba't ibang gawaing pang-edukasyon na naglalayong malinang ang pagmamahal sa Wikang Filipino, mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral, at maitaguyod ang makabagong pagkatuto.

Halina't makiisa sa pagdiriwang ng ating pambansang wika. Sama-sama nating itaguyod ang Wikang Filipino bilang wika ng karunungan, pagkakaisa, at pag-unlad. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Quezon
4318