DepEd Del Pilar Elementary School

DepEd Del Pilar Elementary School Public Elementary School

Sa lahat ng mga g**o ng Del Pilar ES, saludo po kami sa inyong sipag at ginintuang puso. Karapat-dapat kayo sa lahat ng ...
28/09/2026

Sa lahat ng mga g**o ng Del Pilar ES, saludo po kami sa inyong sipag at ginintuang puso. Karapat-dapat kayo sa lahat ng pagkilala at pagmamahal, hindi lang ngayong araw kundi sa bawat araw ng taon!

Maligayang Buwan ng mga G**o! 🎉✨

Sa umaga lamang po ang pasok sa Lunes September 28,2026(Kainang Pamilya Mahalaga Day)
26/09/2026

Sa umaga lamang po ang pasok sa Lunes September 28,2026
(Kainang Pamilya Mahalaga Day)

Nakiisa ang DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL Sa ginanap na Municipal Federated PTA induction and Seach for Mr & Mrs. QMFPTA 2...
26/09/2026

Nakiisa ang DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL Sa ginanap na Municipal Federated PTA induction and Seach for Mr & Mrs. QMFPTA 2026-2027

Taos- pusong pasasalamat sa patuloy na suporta ng buong school community.
Lalo't higit sa naging kinatawan ng ating paaralan sa Mr.&Mrs QMFPTA 2026-2026 kay Ms Jamela Garganta at Mr. Ronniel Parian. Binabati po namin kayo. Sila ay nagkamit ng Best in Production Number at nakuha ng paaralan ang Best In Attendance.

Ganundin sa mga g**o at kawani ng paaralan sa panganguna ng ating OIC Sir Syron Sasis, sa mga officers ng SPTA sa pangunguna ng napakasipag nating pangulo Mrs Jecela Hebrado Oreta , sa SB ng Brgy Del Pilar sa pamumuno ni Kapt Christian Hebrado at sa lahat ng mga magulang at mag aaral. Maraming maraming salamat po.

📸 Ctto

NEW MEMBER OF THE TEAM! Big smiles and warm welcomes for Ms. Christine Atienza-Lazona, our new Administrative Officer II...
16/09/2026

NEW MEMBER OF THE TEAM!

Big smiles and warm welcomes for Ms. Christine Atienza-Lazona, our new Administrative Officer II

We are excited to have you with us and look forward to achieving great milestones together.

Big shout out to my newest top fans! 💎 Jecela Hebrado Oreta, Kristine Castro ToribioDrop a comment to welcome them to ou...
04/09/2026

Big shout out to my newest top fans! 💎 Jecela Hebrado Oreta, Kristine Castro Toribio

Drop a comment to welcome them to our community,

30/08/2026

Maligayang Araw ng mga Bayani! 🇵🇭

Ngayong araw, nagbibigay-pugay ang Kagawaran ng Edukasyon sa lahat ng bayaning Pilipino mula sa mga nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan hanggang sa mga patuloy na naglilingkod nang buong puso para sa bansa.

Kasabay ng pagdiriwang, kinikilala rin natin ang magigiting na bayani ng iba’t ibang sektor, kabilang ang ating mga g**o at kawani na katuwang natin sa pagsig**o ng maayos na kalidad ng edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral.

LAGING HANDA! DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL, NAKIISA SA BSP COMPACT CENTRUM SA PLARIDEL, QUEZON! Muling ipinamalas ng atin...
22/08/2026

LAGING HANDA! DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL, NAKIISA SA BSP COMPACT CENTRUM SA PLARIDEL, QUEZON!

Muling ipinamalas ng ating mga scouts ang disiplina, pakikipagkapwa, at kahandaan sa ginanap na BSP Compact Centrum nitong ika-22 ng Agosto, 2026 sa Plaridel, Quezon.

Buong-pagmamalaking nirepresenta ang Del Pilar Elementary School ng ating dalawang (2) mag-aaral / scouts kasama ang ating School Head. Kabilang ang ating paaralan sa mga aktibong lumahok mula sa iba't ibang paaralan sa buong 4th Congressional District ng Lalawigan ng Quezon.

Ang gawaing ito ay naglayong magbuklod sa ating mga kabataan upang higit pang linangin ang kanilang kakayahan sa leadership, paglilingkod sa kapwa, at mga batayang kasanayan sa Scouting.
Isang malaking karangalan at inspirasyon ang pakikiisang ito para sa ating buong komunidad! Patuloy nating itaguyod ang diwa ng Scouting sa ating paaralan. Saludo kami sa inyong dedikasyon!


TAAS-NOO AT LUBOS NA KARANGALAN: DEL PILAR ES SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG QUEZON AT BUWAN NG WIKA! Masayang nakiisa ang mg...
22/08/2026

TAAS-NOO AT LUBOS NA KARANGALAN: DEL PILAR ES SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG QUEZON AT BUWAN NG WIKA!

Masayang nakiisa ang mga g**o at mag-aaral ng Del Pilar Elementary School sa ginanap na pagdiriwang ng Araw ng Quezon at Buwan ng Wika noong ika-19 ng Agosto, 2026.

Ipinaabot ng buong komunidad ng paaralan ang muling pagmamalaki sa ating mga mahuhusay na kinatawan na buong-pusong ipinamalas ang kanilang angking talento at galing sa panlalawigang kompetisyon:

Zenn Zyron H. Oreta – Manuel L. Quezon Look-Alike Contest

Princes Dianil L. Mascariña – Paligsahan sa Pagtula

Bagamat hindi pinalad na makapag-uwi ng pwesto, ang inyong ipinakitang husay, lakas ng loob, at dedikasyon sa entablado ay tunay na kapuri-puri! Ang karanasang ito at ang inyong determinasyong irepresenta ang Del Pilar ES ay isang napakalaking karangalan na para sa ating buong paaralan at komunidad.

Mula sa inyong mga g**o, magulang, at kapwa mag-aaral—maraming salamat sa pagbibigay ng karangalan sa ating paaralan! Patuloy kayong maging inspirasyon sa inyong kapwa kabataan. Saludo kami sa inyo! 👏💙

PAGTATALAGA SA KATUNGKULAN NG MGA BAGONG OPISYAL NG SPTA AT HRPTA SA DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL! Matagumpay at pormal n...
22/08/2026

PAGTATALAGA SA KATUNGKULAN NG MGA BAGONG OPISYAL NG SPTA AT HRPTA SA DEL PILAR ELEMENTARY SCHOOL!

Matagumpay at pormal na isinagawa ang Pagtatalaga sa Katungkulan (Swearing-In Ceremony) ng mga bagong halal na opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) at Homeroom PTA (HRPTA) ng Del Pilar Elementary School noong ika-18 ng Agosto, 2026.

Ang nasabing kaganapan ay naging mas makabuluhan sa pagdalo ng ating mga panauhing pandangal na patuloy na sumusuporta sa sektor ng edukasyon sa ating bayan:

Konsehal Candy Rodriguez – Tagapangulo ng Lupon sa Edukasyon ng Sangguniang Bayan ng Quezon, Quezon

Konsehal Pedrito Alibarbar Jr.

Kinatawan ni Vice Mayor Pedrito Alibarbar

G. Lloyde Rodriguez – Pangulo ng Municipal Federated PTA

Kapt. Christian M. Hebrado

Lubos din ang pasasalamat ng buong pamunuan ng paaralan sa aktibong pagdalo at pakikiisa ng ating mga minamahal na magulang at g**o na patuloy na katuwang sa pagtataguyod ng magandang kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga bagong opisyal ng SPTA at HRPTA! Makakaasa ang komunidad ng Del Pilar Elementary School sa isang matatag at nagkakaisang paglilingkod para sa ating mga kabataan. school year 2026-2027!


Address

Brgy. Del Pilar
Quezon
4332

Telephone

+639186479382

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Del Pilar Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share