18/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Kung may dapat bantayan, bantayan ang karapatan. Kung may dapat protektahan, protektahan ang mamamayan. Kung may dapat panagutin, panagutin ang umaabuso sa kapangyarihan.
Isang lider-estudyante mula sa ating kolehiyo ang pinuntahan ng mga elemento ng gobyerno na nagmula sa Southern Luzon Command upang kuwestiyunin ang di umanoโy pagkakadawit ng kanyang pangalan sa listahan ng mga sumukong NPA. Bukod pa dito ay higit nilang iniiugnay ang pagiging matalino o mahusay ng estudyante sa posibilidad na siya ay konektado sa isang armadong kilusan o organisasyon. Gayon pang iniintriga nila ang kanyang pagkakakilala sa isa pang estudyante ng ating kolehiyo na kamakailan lamang ay naiulat ding binisita ng mga elemento ng gobyerno upang kuwestiyunin at gayon din ang kanyang kaalaman sa โgawainโ di umano ng isang respitableng lokal na publikasyon sa loob ng unibersidad. Nang magpahayag ng saloobin ang estudyante na siya ay nireredtag, agaran itong tinawanan at pinabulaanan ng mga padala ng SOLCOMM at sinabing ito ay kanyang nasa imahinasyon lamang. Pinaghihinalaan din nila na may nagaganap na โrecruitmentโ di umano tuwing vacant time sa mga kolehiyo at โdoor to doorโ sa mga dormitoryo.
Bilang College of Teacher Education Student Council, mariin naming kinokondena ang anumang anyo ng red-tagging, pananakot, panggigipit, at surveillance laban sa mga lider-estudyante, kanilang mga pamilya, at mga organisasyong nagsasagawa ng lehitimong gawaing pangkomunidad.
Higit na nakababahala ang pag-uugnay sa katalinuhan, pagiging mapanuri, organisado, at aktibong pakikilahok ng isang estudyante sa posibilidad ng pagkakasangkot sa isang armadong kilusan o organisasyon. Ang pagiging matalino ay hindi ebidensya ng pagiging rebelde, ang pagiging mapanuri ay hindi batayan ng pagkakasangkot, at ang aktibong paglilingkod sa komunidad ay hindi dahilan upang pagdudahan ang katapatan ng isang estudyante sa bayan. Hindi dapat ituring na kahina-hinala ang mga estudyanteng ginagamit ang kanilang talino, kritikal na pag-iisip, at kakayahan upang makilahok at tumulong sa kanilang komunidad.
Ang tungkulin ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas at mga institusyon ng estado ay protektahan ang mamamayan, igalang ang kanilang mga karapatan, at panatilihin ang kanilang kaligtasan. Ang kapangyarihan ng estado ay hindi lisensya upang manakot, manghimasok nang walang malinaw na batayan, o magdulot ng pangamba sa mga estudyanteng nagsasagawa ng lehitimong gawain. Hindi dapat maging instrumento ng pananakot ang kapangyarihang ipinagkatiwala para sa paglilingkod sa bayan.
Kinikilala namin na hindi lahat ng pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad ay awtomatikong nangangahulugan ng surveillance. Gayunman, hindi dapat balewalain ang pangamba ng mga estudyante at kanilang mga pamilya kapag ang kilos o pahayag ng mga awtoridad ay nagdudulot ng takot o nakaaapekto sa kanilang kalayaan at seguridad. Kung may alegasyon, dapat may malinaw na ebidensya; kung may imbestigasyon, dapat may lehitimong batayan at wastong proseso; at kung may kapangyarihan, dapat may pananagutan. Hindi maaaring manaig ang hinala sa ibabaw ng karapatan. Ang red-tagging ay hindi simpleng pagtatalaga ng labelโmaaari itong magdulot ng seryosong panganib sa kaligtasan, reputasyon, edukasyon, pamilya, at kalayaan ng mga taong tinatarget nito. Walang sinuman ang dapat ilagay sa panganib dahil lamang sa walang sapat na batayang hinala.
Bilang institusyong kumakatawan sa mga mag-aaral ng College of Teacher Education, hindi namin maaaring talikuran ang aming pananagutan na ipagtanggol ang kanilang dignidad at karapatan. Hindi namin hinihingi ang pribilehiyo na malaya sa pananagutan. Hinihingi namin ang makatarungan, malinaw, at pantay na pagtrato sa bawat estudyante.
Bilang hinaharap na mga g**o, itinuturo namin sa iba na maging matapang, mapanuri, at may paninindigan. Hindi maaaring sa sarili naming paaralan, kami ay pipigilang isabuhay ito. Ang karapatang magsalita, magtulungan, at maglingkod ay pundasyon ng edukasyon; hindi ito maaaring ipagkait sa sinuman.
๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐. ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ถ๐๐ฎ. ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ, ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ.
๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐๐๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ, ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ. ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ.
๐๐ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ถ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป.