07/08/2026
Isang matagumpay na araw ng pagtutulungan ang muling ipinakita ng pamilya ng Sta. Rita Elementary School sa ating Enhanced Gulayan sa Paaralan Program (EGPP). Sa tulong ng ating masisipag na mga g**o, supportive na mga magulang, at mga katuwang sa komunidad, unti-unti nating napapaunlad ang ating school garden.
Ang bawat tanim at bawat pagtutulungan ay hindi lamang nagpapaganda sa ating paaralan, kundi nagbibigay rin ng mahalagang aral sa ating mga mag-aaral tungkol sa responsibilidad, pagmamalasakit sa kalikasan, at kahalagahan ng bayanihan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa ating mga programa. Sama-sama nating palaguin ang ating gulayan para sa mas malusog at mas magandang kinabukasan ng bawat batang Sta. Rita. 💚🌱