06/09/2026
Sa aking mga anak sa larangan ng pamamahayag:
Ang DSPC 2026 ay hindi lang sumubok ng inyong husay sa pagsulat, pagle-layout, pagba-broadcast, o copyreading. Sinubok din nito ang inyong tiyaga, disiplina, at tapang sa harap ng pressure.
Nakita ko kayo. Nakita ko ang mga puyat, ang mga practice, ang mga papel na binura at sinulatan muli. Nakita ko kayong pinili ang katotohanan kaysa sa madalian. Pinili ang umunawa kaysa pumatol sa hindi tama.
Kahit may medalya o wala, panalo na kayo. Dahil lumaban kayo. Dahil dinala ninyo ang pangalan ng ating paaralan nang may dangal at may puso.
Sa mga nag-uwi ng karangalan — nagbunga ang lahat ng pagod ninyo. Sulit ang lahat.
Sa mga patuloy na nagsusumikap — hindi pa dito nagtatapos. Ito pa lang ang simula.
Tandaan ninyo: Ang medalya ay maaaring kumupas, pero ang galing, karakter, at tapang na nabuo ninyo dito ay dadalhin ninyo habambuhay.
Maraming salamat sa pagpapasaya at pagpapa-proud sa amin. Patuloy kayong sumulat. Patuloy kayong lumipad hanggang ma-achieve natin ang inaasam na NSPC.
Mahal na mahal namin kayo at sobrang proud kami!
————————–——————–———————————–
Walang humpay na pasasalamat din sa mga supportive parents ng mga batang ito na laging kaagapay ng ating paaralan sa bawat laban na aming hinaharap.
Wala po kaming kakayanan kung wala ang suporta at pagtitiwala ninyo.
Buong pusong pasasalamat din sa tanggapan ng ating Punong bayan Hon. Lily G. Torrico sa kanyang laging pagtugon sa aming sasakyan upang makarating at makauwi ng ligtas sa bawat laban.
Shout out din sa aming napakasuppotive na SB Hon. Joash Jim D. Quinton na mula noon paman ay kaagapay ng Ang Tabon-pinansyal man o moral na suporta.
Gayundin sa aming Department Head Master Lodijane N. Cordero salamat po sainyong talentadong kamay na laging katuwang ng pahayagan-usapang pagguhit man o larangan ng pagandahan panalo ka talaga!
Salamat sa Poong Maykapal sa kanyang tkaloob na lakas at talenti sa bawat isa upang mulibg mamayagpag sa larangan ng journalism.
Muli na namang lilipad ang aming team para sa RSPC 2026💪🏻