SACI Secret Files

SACI Secret Files

Share

Share with us your experience being a student in Southeast Asian College.

12/02/2017

Move On

"Paano mo masasabing naka move on ka na?
kung sa bawat sandali ay naaalala mo siya
sa bawat pagpikit ang iyong mga mata
Larawan nyong magkasama ang nakikita

nagdaan ang mga gabi
palagi kang umiiyak sa isang tabi
sa iyong paggising mugto ang mga mata
umaaasang magbabalik pa sya

Sinasabi sa sarili na ""nakalimutan na kita""
ngunit bakit sa tuwing napagiisa ay naalala mo sya?
naaalala ang mga panahong masaya kayo
Ang mga panahong siya pa ang asawa mo

tinatanong ang sarili kung bakit nagkaganito
san ka nagkulang, bakit sya nawala sa iyo?
Ang sakit na dinulot ng kanyang paglisan
ipagdadasal na lang na maibsan

Ngunit payo ko sa inyo aking kaibigan
Pag nagmahal ka, ika'y masasaktan
pero sa paglipas ng panahon
ikaw ay makakaahon

balang araw, makakalimutan mo sya
Makakalimutan mo ang sakit na idinulot nya
balang araw, makakanap ka
makakahanap ka ng taong higit pa sa kanya."

Sweeper SHS

12/02/2017

Ms. Stephanie Ann Estrella πŸ˜‰β€

Are you a camera? Because everytime I look at you I smile. 😊 Hi. Nakita ulit kita kahapon. medyo siga maglakad pero binuo mo araw ko. Baka isipin mo classmate mo lang ang gumagawa ng lahat ng ito pero hindi. Admirer lang talaga ako at nagagandahan talaga ako sayo. sana malapitan kita 😊

C. Breezy
Confidential

12/02/2017

01101010 01100011 01110011

nakaranas ka na rin ba nung may umamin sayo na gusto ka pero wala cyang nagagawang effort??.. cya kasi ung lalaking takot nang mareject sa pangliligaw... ung lalaking ilang beses nang na reject sa panliligaw..ung tipong nag effort na sya ng lubos pero walang nangyari... kung ikaw ay nasa sitwasyong ganito.. subukan mo nmn syang sagipin sa kanyang karuwagan... ang lalaking ito ang siyang hindi ka sasaktan..bagkus ay aalagaan ka at pahahalagahan ng lubos sapagkat ang matagal nyang naipong pagibig ay mapupunta sa inyong relasyon dahil sa matagal nya nang gustong ibigay sa kanyang mamahalin...

10799

TechVoc ICT

2016-2017

Confidential

12/02/2017

Dimples

Hi po kay algeru asuncion ng ICT-2 ata dati yun πŸ’“ Nakakainlab ka talaga lalo na kapag nakangiti hays 😍 Kitang kita yung dimples mo πŸ’• Sana makikila kita ng lubos. Sana mapansin mo nako. πŸ’Ÿ

E
Confidential

12/02/2017

NAG ASSUME.

"Natatawa at nasasaktan pa din ako kada maaalala ko kung saan tayo nagsimula, yung unang beses na tayo'y nagkita.

Hindi ko aakalain na magiging sobrang halaga mo sakin. Naangasan at nagandahan lang ako sayo non. Iba na pala.

Nagumpisa lang sa pagtatanong ng schedule. Nagusap... Bigla na lang kita hinanap sa facebook. First name mo lang alam ko non kaya lahat ng results tinignan ko mahanap lang kita. Kahit di normal para sakin at di ako nag aadd sa fb, inadd kita. ewan ko ba.

Ang sakit isipin na may nararamdaman na ako para sayo pero wala ka man lang kaalam alam. Mahal na kita pero wala kang idea. Ayoko din kase umamin sayo. Di ko nga sinasabi pero unconciously, pinaparamdam ko naman sayo. Ako na mismo gumagawa ng excuse para makita ka. Dadalan ka ng ballpen, charger o whatever. Nagpapansin ba.

Di ko din alam na mahal na pala kita. Baka kase si past pa rin pala at nagkakamali lang ako. Nasasaktan ako kapag masaya ka at di ako ang ang dahilan. Kapag di ako ang nagpapangiti sayo, nalulungkot ako. Ang selfish ko. Sorry. Nagagalit ako sa past ko kasi akala ko affected pa din ako, yun pala ginagawa ko na lang siyang excuse. Sa kanya ko na lang binubunton yung galit at sakit na nararamdaman ko kesa sayo kase ayoko na isisi sayo yung katorpehan ko.

Ang sakit isipin na mahal kita pero di mo masusuklian. Di tama, wala sa lugar. Sasarilihin ko na lang kesa mapahiya pa ko sayo.

Makukuntento na lang na magkaibigan tayo. Tropa tropa. Pasasayahin kita sa paraan na alam ko. Gagawin ko lahat para sayo kase mahal nga kita. Ayoko na baka lumayo ka kaya di ko na lang sasabihin na mahal na kita.

Naguluhan din ako sayo. Sinasamahan mo ko parati. Kahit na ginagabi na tayo ng uwi. Ang tagal na natin sa Mcdo pero tumatabay ka pa din kasama ko. Wag lang ako mag isa. Minamadaling araw na magkachat. Sumasama kung saan saang lakad. Ano na ba to.

Natatawa na nasasaktan ako kapag naaalala kong dibale na lang na wag mo malaman. Itatapon ko na lang ang katiting na pag asa. Masakit isipin na mas pipiliin ko pang lumayo kesa umamin kase nag assume ako...

kung saan saan pa lumigoy. ang dami na ding dumaan at nangyari. tapos eto na tayo ngayon.

Mahal mo naman din pala ko. 😍😘

napaka haba ng kwentong ito at tayong dalawa lang ang nakakaalam nito. tayong dalawa magkasamang bubuo nito hanggang sa huli. eto ang kwento na wala akong planong tapusin at bigyan ng wakas. ILoveYou po.
Mahal na mahal po kita."

πŸ’™081616πŸ’œ

SHS
Confidential

12/02/2017

MY HEART WILL WAIT FOR YOU

Siguro kailangan talaga kita iwasan ngayon masyado na kasi akong nasasaktan May mahal ka ng iba akala ko mahihintay mo pa ako. Yung kinakatakutan ko nagkatotoo. Hindi ko maamin sayo kasi natatakot ako ma reject pero mas natakot ako nung nalaman ko na may iba ka na. Sorry pero hangang ngayon hindi parin nawawala pagmamahal ko sayo.

YOU

12/02/2017

The Changing Population of SHS in SACI.

The journey of Southeast Asian College, Incorporated in Senior High School was supported with 552 senior high school enrollees. But before the first semester ends, 8 students were officially dropped out.

Second semester came, 20 shs students did not continue their study while 12 students were unofficially dropped out, leaving the school with 512 enrollees.

The reasons why some of the students leave the school are still unknown. But is it necessary to unlock the mysteries if it will only affect the other students?

TheVoiceOfSeniorHigh
Grade10-Confidential.

20/12/2016

Paalam muna, mahal.
Tska na lang kapag kaya mo ng ibigay ang buo mo.
Tska na lang kapag kaya mo ng iparamdam sa akin na ako lang.
Tska na lang kapag importante na din ako sayo.

Hindi naman sa hinihiling kong alisin mo sila sa buhay mo. Pero sana ipakita mo naman sakin na wala na silang halaga sayo.
Mahal kita, higit pa sa sobra.
Nagawa ko ng ipilit sarili ko noon sa iyo, pero sa ngayon wag na muna.

Babalik ako kapag kaya mo na akong ibulgar sa iba.
Babalik ako kapag hinayaan mong malaman nila na merong ako sa buhay mo, mahal ko.

Sa ngayon, gagawin ko muna kung saang alam kong magiging masaya ka.

Paalam muna, mahal.

Pixie

20/12/2016

FOOD-CT

SHOUTOUT SA FOOD AND BEVERAGE TSKA SA ICT1 AKA FOOD-CT BONDING NAMAN TAYO BAGO MAG END UNG SCHOOL YEAR KAHIT SWIMMING LANG? ANO HAHAHA NAPAPAISIP SIGURO KAYO KUNG SINO NAGSEND NETO NO? HAHAHA LOL KAHIT DI PA MASYADO KA CLOSE UNG IBA OKS LANG BASTA MAY BONDING NA MAGAGANAP UN LANG HAHAHA FOOD-CT IS THE BEST!

GUMBALL AND DARWIN
SECTION 1

20/12/2016

sana mapost! pleaseeee admin 😞 pero sana wag lg po ako makilala 😞
shout out!
shout out nga pala kay LINDON LIBOg hahahaha namimiss na kita! ikaw yung unang bakla na naging close ko saka pinaglaban ako sa mga umaway saken! Sana kahit di na ko pumapasok di moko malimutan huh? saka pala kay ALICIA BALANA, CAMELIA LANIPA, GIAN MAE MERCADO AT CERENE BURGOS, mahal na mahal ko kayo! babawi ako mga bes! thank you sa lahat huh? set naaaaπŸ˜‚πŸŒ΅πŸ’‹
-INGGA
COOKERY10

20/12/2016

TAMAD.

Hi admin sana mapost to hahaha..

Tinatamad na ako pumasok paksh*t.. Hindi naman ako ganito dati ee. Simula nunng binago yung oras ng pagpasok tinamad na ako ksi sobrang aga....
Ang dami ko ng late at absent Sana talaga hindi na lang ako sa saci nag aral.
Nadidismaya ako.

SHS
Unknown

20/12/2016

DATI, ako yung tipo ng babae na madaling sumuko at madaling magsawa. Yung makikipagbreak kaagad kapag palagi ng away, yung hindi lang ako masyadong namemessage maninibago na kaagad ako. Dati kapag 2 months pa lang kami, feeling ko ang tagal na namin kaya makakaramdam na ako ng pananawa tapos makikipagbreak na. Last boyfriend ko, sa kanya ko naranasan yung sobrang panloloko. Yung feeling na alam ko yung account niya, pero naloloko niya pa ako. Yung mag aaksaya ako ng pera para makita siya tas malalaman ko niloloko pala ako. Yung kapag magpopost ako sa FB, itatag ko siya, nireremove tag niya kasi may isa pa pala siyang girlfriend. Pagkatapos namin magkita, yung isang babae na naman ang kikitain niya. Kaya ang hirap na magtiwala, dahil sa kanya nadala ako, dahil sa kanya natakot na ako na baka gaguhin na naman ako. Pero isang araw, may isang tao na hindi ko inasahang makikilala ko. Dahil sa kanya natuto akong magtiwala ulit. Hindi ako yung tipo ng babae na sasabihin na pare-pareho lang ang mga lalaki. Tangina hindi ko naman sila naging boyfriend lahat eh hehe charought.Kaya sa mga babae na niloko huwag matakot na magtiwala ulit. Pero alam ko naman na magbebreak din kami ng bf ko, uunahan ko na kayo oo na wala ng forever

Shs
YZFD

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Quezon City