10/09/2026
𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐭𝐚, 𝐦𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨! 🇵🇭
Sa bawat kasuotang buong pagmamalaking suot, may kuwentong Pilipinong ipinakikilala. Sa bawat ngiti at munting paglahok, unti-unting umuusbong ang pagmamahal sa ating wika at kultura. 🌺
Narito ang ating mga munting kalahok sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Start Up Playschool! Bawat isa ay may sariling ganda, saya, at alindog na nagbigay-kulay sa ating pagdiriwang. 🥰
Maraming salamat sa mga magulang na buong pusong naghanda at nakiisa. Kasama ninyo, naipaparanas natin sa mga bata ang saya at pagmamalaki sa pagiging Pilipino. ❤️💙💛
𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐦𝐚𝐤𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚, 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧, 𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧! 🌱🇵🇭
See less