10/09/2026
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ต๐ญ
Sa diwa ng bayanihan, pakikipagkapwa, at pakikiisa, matagumpay na ipinagdiwang ng CPRSHS ang Pistang Pinoy 2026, isang makulay na pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa mayamang kultura, sining, tradisyon, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, tradisyunal na kasuotan, pagpapakita ng iba't ibang kaugalian, at pagtikim ng mga pagkaing mula sa ibaโt ibang rehiyon ng bansa, naipamalas ng ating mga mag-aaral ang kagandahan ng pagkakaiba-iba ng kulturang Pilipino. Higit pa rito, naging daan ang pagdiriwang upang mapalalim ang pagpapahalaga sa mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng bayanihan, paggalang sa kapwa, pagkakaisa, at pagmamalaki sa sariling kultura.
Ang Pistang Pinoy 2026 ay hindi lamang pagdiriwang ng ating nakaraan kundi isang pagpapatuloy ng ating mga tradisyon at pagpapahalaga bilang isang nagkakaisa at makabayang pamayanan. Sama-sama nating pahalagahan at ipagmalaki ang kulay, kultura, at tradisyong Pilipino!