28/03/2026
✨ 10-ALBAY (SY 2025-2026) – OFFICIALLY SIGNING OFF NA! ✨
Mga ALBAYANO at MAGAYONISTA – tapos na ang laban para sa taong ito! 🎓 Nagsimula tayo bilang mga estudyante na nangangarap lang, ngayon naman handa na tayong harapin ang susunod na yugto ng buhay!
From the first time we stepped into our classroom na ramdam ang init dahil may naamoy na agad na hindi maganda! hanggang sa mga last-minute cramming sessions na palaging may palusot na "nakalimutan gumawa" pero buong araw talagang natulog at gumala. At higit sa lahat, yung mga masasaya at nakakatawang bonding moments lahat ng yan ay parte na ng kwento ng magayonista.😅😁
Sa mga ilang buwan na puno ng kulitan at awayan marami pa ngang beses na napaguidance eh! Minsan dahil sa walang kwentang away, pero madalas dahil sa sobrang ingay namin at yapak ng aming mga upuan pag naglilipat ng upuan naririnig pa nga raw pati ng principal!
Salamat sa mga g**o na nagpatibay sa amin, lalo na sa aming napakaganda at mabait na adviser na si Ma'am Will! Kahit minsan napapailing at nagagalit siya sa amin, hindi pa rin niya kami pinabayaan sa halip ay tinuturuan at sinusuportahan niya kami sa lahat ng aming ginagawa at sinasalihan. Salamat din sa mga mababait na kaklase na nagpapahospot, nagsha-share ng food, nagpapahiram ng ballpen, at higit sa lahat mga nag-sponsor always ng 1/4 o 1/2 na papel pag may biglaang quiz!
Sig**o hanggang dito nalang muna tayo... ☹️☹️☹️
Paalam na muna, but this isn’t the end ito lang po ay "see you soon" sa mga pangarap na bubuuin at aabutin pa natin! 👋🙈🥺