18/09/2026
Ang Pag Dalo ng Rescue Kabataan: ๐ผ๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐, ๐ผโ๐๐ ๐ ๐๐๐ข๐๐๐โจ๐
Ngayong Septyembre 18, 2026โang Rescue Kabataan ay dumalo sa Camp General Emilio Aguinaldo High School (CGEAHS). Layunin nilang makatulong sa Mental Health ng mga estudyante at magbigay daan para sakanila.
Inumpisahan ang seremonya sa pagkanta ng nationalistic nong at ng munting panalangin na pinamunuan ni Angel Pauleen B. Omandam mula sa pangkat Amorsolo ng baitang walo. Nag-iwan si Dr. Quirino P. Sapon Jr, ating Punong-G**o, ng mensahe para sa mga baitang walo na dumalo.
Nagpakita naman ng talento sa pagkanta ang apat na talentadong estudyante mula sa baitang 8 - amorsolo, sina Jhenina Ann Batobalonos, Ashlein Paguirigan, Ayesha Obina, Frelouieainna Lemaire.
Pagkatapos nito, ibinahagi naman ng founder ng Rescue Kabataan na si Bb. Abegail Mesa Raymundo ang kuwento ng kaniyang mga karanasanโmga hamon at kuwentong hinabi ng pawis, sigawan, pagod, at tagumpay.
Sa bawat salitang kaniyang binitiwan, muling nabuhay ang mga karanasang humubog sa kaniyang pagkataoโmga pagsubok na naging hagdan tungo sa tagumpay at siya ay nasa harapan ng mga kabataan upang hindi na nila magawa ang mga pagkakamaling sinimulan niya.
Ang mga istoryang kaniyang inilahad ay nagpabukas sa mga pusoโt isipan ng mga estudyante. At habang ito ay nangyayari, sila ay nakatanggap ng meryenda na nagpatibay na hindi lamang isipan nila ang busog kundi pati na rin ang kanilang mga tiyan.
Natapos ang araw na baon ang mga estudyante ng aral, pag-asa, at kuwentong hindi basta malilimutan. Maraming salamat po, Rescue Kabataan!
๐จ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ : Chloe Bautista, Chris Ballad
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: Abigail Porteria
๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐๐: Phillip Damot
๐ณ๐๐๐๐๐ ๐๐: Phillip Damot