21/09/2026
๐๐ค ๐ค๐ช๐ง ๐๐๐๐ง๐๐จ๐ฉ, ๐๐ง๐ค๐. ๐๐ค๐๐ง๐๐๐ค ๐ฟ๐ค๐ก๐ค๐ง๐ค๐จ๐,
Salamat, Sir Rod, dahil binigyan mo ng kulay at saya ang aming Contemporary World noong first year. Hindi lang mga lesson ang itinuro mo sa amin, kundi pati mga payo na hinding-hindi namin malilimutan at habang-buhay naming isasapuso. ๐๐ต๐ฒ ๐บ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐ ๐น๐ฒ๐ณ๐ ๐ฏ๐ฒ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐น๐น ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐๐ ๐ต๐ฎ๐๐ฒ ๐ฎ ๐ฝ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐ถ๐ป ๐ผ๐๐ฟ ๐ต๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐. ๐ ๐ต๐ผ๐ฝ๐ฒ ๐๐ผ๐ ๐ธ๐ป๐ผ๐ ๐ต๐ผ๐ ๐บ๐๐ฐ๐ต ๐๐ผ๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ ๐น๐ผ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฏ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐ฝ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐๐ผ๐.
Sinabi mo pa sa amin noon na magkikita-kita ulit tayo next semester. Inabangan at pinanghawakan pa namin iyon, pero hanggang dito na lang pala, Sir. Hindi man natuloy ang muli nating pagkikita sa classroom, hinding-hindi mawawala sa amin ang lahat ng alaala at aral na iniwan mo.
Hinding-hindi rin namin malilimutan na sa tuwing nagche-check ka ng attendance, lagi mong tatapusin sa salitang โcheck.โ At kapag nagle-lesson tayo, lagi mong tinatanong sa amin ng nakangiti, โTama o mali?โ Maaaring ordinaryong parte lang iyon ng klase para sa iba, pero para sa amin, malaking bagay iyon dahil naging parte na iyon ng masayang alaala namin kasama ka.
Mahal na mahal ka namin, Sir Rod. Maraming salamat sa lahat ng tawanan, kwentuhan, payo, at alaala. Naging malaking parte ka ng college journey namin, at habang-buhay naming dadalhin ang mga natutunan namin sa iyo.
Hanggang sa muli, Sir Rod. Rest peacefully. ๐๏ธ๐ค