26/05/2026
"๐๐๐ฅ๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ง๐"
inilathala ni: Eia Caparros
Ahhhhh! ang ingayโtilaok ng mga manok na may kasamang talak ni Mama ang gumising sa aking malalim na paghimbing, hudyat na gising na ang araw at kailangan ko nang bumangon mula sa pagkakahiga.
"๐๐ถ๐ฎ๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ! ๐ฎ๐ข๐จ ๐ข-๐ข๐ญ๐ฎ๐ถ๐ด๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข!" sigaw ni Mama mula sa kusina, nalalanghap ko ang aroma ng ginigisang sibuyas, hay nako, lasang utos agad ang almusal ko nito.
"๐๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ญ๐ข๐ฎ..." tanong ko sa sarili. Bumangon na ako't lumabas, "๐๐ข๐ฌ, ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ฆ๐ญ๐ข๐ต๐ข ๐ณ๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐จ, ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ค๐ฐ๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ฅ ๐ฃ๐ฆ๐ฆ๐ง." utos ni Mama sabay turo kung nasaan ito. Tumayo ako upang kunin iyon, "๐๐ข๐บ๐ด, ๐ฅ๐ฆ๐ญ๐ข๐ต๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ, ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข '๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ช๐ฆ๐ง ๐จ๐ฐ๐ฐ๐ฅ๐ด, ๐ข๐ฉ." busangot ko kay Mama.
Paano ba naman! palagi na lang delata, kung sana hindi lang puro bag ng relief goods ang ibinibigay ng mga nakaupo sa itaas, baka kahit papaano nakakaahon kami't nakakakain nang mas masustansya at mas masarap kaysa delata. Naghihirap na kami, tapos ang ibibigay relief goodsโgoodness gracious, iaahon ba kami niyan sa hirap. Diyos ko! nangangalawang na ako.
Inabot ko ito kay Mama, binuksan niya ang lata; kailangan mo ng katamtamang lakas upang mabuksan 'to, upang malaman ang katotohanang patuloy na dinudungisan ng mga kasinungalingan, ng kalawang. Kung gagamitan ng puwersa, masasaktan ka, ikaw ang mababahiran ng dugo. Kahit sabihin nating easy open ang lata, mahirap pa ring tuluyang buksan. Mahirap malaman ang buong katotohanan.
Bago mailagay ang corned beef sa lata, dumadaan ito sa isang proseso, ginagawa ka nitong preso. Iginigiling ang laman at loob, pinipiraso't pinipino ang ebidensyang puwedeng mabunyag, sinasadyang hindi embalsamohinโtinatakasan ang ginawa nilang krimen. Sasangkapan ng iba't ibang pampalasa, ginagawan na ng iba't ibang timpla, "๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐!", "๐๐๐ง๐ค๐ง๐๐จ๐ฉ๐!", "๐๐ฃ ๐๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ!" may halo pa itong gayuma, upang malinlang ang ating panlasa at isara ang ating isip, tenga't mata, hanggang sa hindi mo na masusuri ang lasa, iba na rin ang itsuraโnabahiran na ng gayuma, dahil mapanlinlang sila.
Kung kaya't ito'y dapat na iyong gisahin na kasama ang sibuyas, tutulong ang sibuyas upang lumabas ang tunay na aromaโ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป.
Pagkatapos lutuin, ihahain 'to sa hapag kainan, matitikman mo ang hinagpis ng bawat taong kanilang walang-awang pinaslang. Kailangan mo itong lasapin, ikaw ang makakalasap sa katapangang ginawa nila. Dahil kung walang mag-aalsa, walang pagkain sa mesa. Bawat nguya mo'y maririnig mo ang hikaos ng tinatawag nilang rebelde, at ang kanilang mga abese.
Kahit anong gawin nilang timpla, hindi akoโtayo magpapadala sa gayuma. Hindi mananahimik ang iba, dahil tulad ng isang latang wala pang laman at bahid ng kasinungalinganโkayang-kayang nitong gumawa ng nakakabinging ingay.